Advertisers
NAGBABALA si Atty. Ferdie Topacio na ang nababalitaang ‘restitution’ na inaalok sa mga akusado sa ‘ghost flood control projects’ ng Office of the Ombudsman (OMB) ay ‘di sinasagad sa batas.
“That (restitution) is not sanctioned by law”, ang paliwanag ni Topacio, matapos malamang may mga umaaktong “middlemen” sa OMB para hikayatin ang mga responsable sa anomalya sa flood control projects at magbalik ng nakaw na pera para ‘di mapabilang na mga akusado sa kaso.
“Restitution wala sa Witness Protection Law yan. Nakaw yun. Dapat ibalik ng buo.There is a process to that – forfeiture,” pagdidiin ni Topacio, hinggil sa mga negosyador ng OMB na ginagawa pang ‘state witness’ ang isang akusado kapag nagbalik na ng nakaw na pera sa pamamagitan ng restitution.
“Offering restitution to these people and getting a share in the stolen money is a fruit of criminal act,” aniya.
“One billion ninakaw (for example), ibabalik ang P600 million, ibibigay sa iyo ang P200 million, abswelto na. Hindi ganun. Pati ikaw (middle man) profited from my criminal act,” paliwanag pa ni Topacio.
Tinutukoy ng abogado ang mga pangalang naglalabasan sa social media posts na umano’y mga ‘middlemen’ para sa OMB. Isa na rito ang pangalang “Alfred K. Lao” or “AK”.
May mga pangalang din, gaya ng palayaw na “Nanang” na umano’y lider ng grupo ng kinabibilangan ni Lao at ang sinasabing “happy group” na ang mga miyembro ay sina Rolle, Bayot. Jip, Weng at Susan.
Dagdag pa ni Topacio, kahit nasa Estado Unidos ang corrupt officials na nais maisapelikula ang kanilang buhay ay ‘di nakikinabang sa kita ng pelikula, “kinukumpiska ito ng pamahalaan, dahil ang istorya ng kanilang buhay at ang kita ng pelikula ay galing sa kanilang criminal act.”