Advertisers

Advertisers

Robb Guinto, mamimigay ng panty sa kanyang show sa Viva Cafe

0 26

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

HINDI dapat palagpasin ang gaganaping show ng sexy actress na si Robb Guinto sa Viva Cafe. Pinamagatang “Solid Gold: The Robb Guinto Experience,” ito ay magaganap sa Wednesday, July 29, 2026, 9:00 PM.

Mixed emotions daw ang kanyang nararamdaman dahil unang pagkakataon pa lang niyang sumabak sa ganitong show.

Aniya, “First time ko po na mag-show, kaya medyo kinakabahan ako… pero I know naman na magagawa namin iyong best namin para makapagbigay ng magandang show.

“Actually, kinakabahan ako na nae-excite, pero gagawin ko ang best ko at sisiguraduhin namin na mag-eenjoy at masa-satisfy ang mga manonood sa mga gagawin naming performance.

“Basta ang masasabi ko lang po, magpapawis kayo, mag-iinit at magliliyab ang inyong pagkatao, hahahaha! At magigising ang mga dapat magising, lahat na, abangan po!” Nakatawang sambit niya.

Pahabol pa ni Robb, “Sana magustuhan ng mga tao iyong gagawin naming mga kakaiba, masulit ang pagpunta nila at ma-satisfy sila.”

Thankul din ang aktres sa pagkakataong ibinigay sa kanya na magkaroon ng ganitong show.

“Thankful ako na ganito, na nagkaroon ako ng sariling show, siyempre nandoon po iyong pressure… I hope na maraming pumunta at maabot namin iyong iyong expecations nila, na mag-enjoy ang mga tao at ma-satisfy and masulit sila sa ibinayad nila,” nakangiting pahayag pa niya.

Aniya pa, “Gagawin namin ang lahat para siguradong mag-eenjoy ang pupunta sa aming show, and mayroon din akong ibebentang t-shirts, at mga merchandise.

“Abangan po nila, maraming surprises dito at mamimigay po ako ng mga panty, hahahaha!”

So, bukod sa mga sorpresa mula sa mga hot babes na ito ay siksik sa pampagana at pampainit ang mapapanood dito nang live na live at hindi tulad sa VMX na sa PC, laptop, o sa cp lang nakikita ang kanilang mga kakagigil na alindog.

Anyway, bukod kay Robb, mapapanood din sa show ang mga kapwa niya sexy actress na sina Roxanne de Vera, Aila Cruz, Margaret Sison, at Paula Santos.