Advertisers
By Anne Venancio
Emosyonal na ginunita ni Kris Aquino ang ika-17 anibersaryo ng pagpanaw ng kanyang inang si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino. Sa kanyang mensahe, ibinahagi ng Queen of All Media na bagama’t matagal na nilang tinanggap ang pagkawala ng kanilang ina, nananatiling buhay ang mga aral, pagmamahal, at inspirasyong iniwan nito sa kanilang pamilya.
Inamin din ni Kris na nagpapatuloy pa rin ang kanyang laban sa iba’t ibang autoimmune diseases. Sa kabila ng matitinding gamutan, nananatili siyang matatag para sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby. Sa nalalapit niyang infusion treatment, humiling siya ng gabay at panalangin mula sa kanyang yumaong ina habang patuloy na umaasang tuluyan nang gagaling.
Samantala, naging usap-usapan din online ang larawan nina Kris at Bimby kasama ang ilang executives ng ABS-CBN Music, kabilang sina Jonathan Manalo at Roxy Liquigan. Ang simpleng caption na “Last night’s productive meeting” ay agad nagbunsod ng espekulasyon tungkol sa posibleng comeback project ni Kris o music debut ni Bimby.
Bagama’t wala pang opisyal na kumpirmasyon, maraming fans ang umaasang muling mapapanood si Kris sa showbiz at makita siyang makatrabaho ang anak na si Bimby sa isang espesyal na proyekto.