Advertisers

Advertisers

Stars Reignited Concert Almost Sold Out Na

0 4

Advertisers

By ROMMEL PLACENTE

Ang mga champion at produkto ng Metropop Star Search, na isang singing competition noon ng GMA 7 na sina Miles Poblete, Camille Valasco, Roxanne Barcelo, Xaxa Manalo, Anna Katarina Lara, Champagne Morales at Faith Cuneta, ay magkakaroon ng concert billed as Stars Reignited. Ito ay gaganapin sa September 5,7pm sa Teatrino Promenade Greenhills. Mula ito sa EV Productions, at ang musical director ay si Elmer Blancaflor at si Vivian Blancaflor naman ang director.

May special participation sa concert ang tinaguriang Karen Carpenter of the Phlippines na si Cye Soriano.

During the media conference, tinanong namin sila kung sino sa mga kapwa nila local singers ang hinahangaan o nagagalingan sila.‘’Yung iba, ang sinagot ay may halong international singer pa.

Sagot ni Miles, ay si Lani Misalucha, Vernie Varga, KZ Tandingan at Sarah Geronimo.

Si Regine Velasquez naman ang hinahangaan ni Faith.

“Lea Salonga, Cindy Lauper at Mariah Carrey naman ang sagot ni Champagne.

Gaya ni Faith ay si Regine Velasquez din ang paboritong local singer ni Ana Katarina.

Hanga naman si Xaxa Manalo kay Britney Spears dahil sa pagiging total performer nito. Mahusay daw kasi itong kumanta at sumayaw.

Si Lea Salonga at Gary Valenciano naman ang hinangaan ni Camille.

At si Cye, ang paborito niyang singers ay si Lea Salonga rin, Regine Velasquez, Miles Poblete, Faith Cuneta at Martin Nieverra.

Pinasagot din namin si Direk Vivian, at ayon sa kanya,si Sarah Geronimo ang hinahangaan niyang singer.

Sa tanong kay Faith kung may isang kanta siya na gustong i-revive, ay ano ‘yun, ang sagot niya ay ang Paubaya ni Moira dela Torre.

Nag-sample pa siya ng kanta at ang ganda ng version niya, huh!

Anyways, almost sold out na ang tickets sa concert. Kaya buy na kayo. Siguradong mag-i-enjoy kayo sa concert. Di ba, John Fontanilla?.