Advertisers

Advertisers

BINATA NAGPAKAMATAY SA LOOB NG FIRING RANGE SA MAKATI

0 98

Advertisers

Isang binata ang umano’y nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa kanyang dibdib sa loob ng firing range sa Makati City noong Miyerkules, Hulyo 29,2026.

Ayon sa ulat ng Makati Police, naganap ang insidente alas-4:42 ng hapon, sa Armscor Shooting Range, Bay 1 Row 6 sa Makati Square, Barangay San Isidro, Makati City.

Ang biktima, na kinilala lamang bilang ‘Kian,’ na sinasabing 25 taong gulang, ay naiulat na dumating sa nasabing firing range, alas-4:32 ng hapon. Nagparehistro siya para magsanay sa pagbaril sa loob ng indoor firing range at naghintay ng halos 20 minuto sa waiting area, bago siya inakay papasok sa Bay 1 kung saan tinulungan siya ng range officer na si Venancio Magdaraog, Jr.

Matapos magpaputok ng ilang beses, sinasabing biglang itinutok ni Kian ang baril sa kanyang kanang dibdib at pagkatapos ay binaril ang sarili.

Dumating sina PCapt. Robert Kodiamat at PMSg Emelio Alverio, Jr. sakay ng Mobile car 2206 at agad na tumungo sa naiulat na lokasyon kung saan sinigurado at kinordon na ng mga tauhan ng Sub-Station 3 sa pangunguna nina PMaj, Edelberto Rojas at Armscor personnel.

Sa isinagawang ocular inspection, nakita ng mga imbestigador ang biktima na nakahiga sa sahig na puno ng dugo, na may tama ng baril sa kanang bahagi ng kanyang dibdib.

Bandang 5:50 p.m., dumating sa pinangyarihan ang isang BFP Medical Team sa pangunguna ni SFO1Lady Diane Layson at nagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation o CPR ngunit hindi na tumugon ang biktima.

Dinala siya sa Makati Medical Center , ngunit idineklara siyang dead-on-arrival bandang alas-6 ng gabi ng attending physician na si Dr. Raymond Lazo.

Ipinoproseso ng Makati-SOCO sa pangunguna ni PCapt. Albert Pundogar ang mga teknikal na aspeto ng imbestigasyon, kung saan narekober nila ang isang kalibre 9MM na may nakasingit na magazine na puno ng dalawang live ammunition.

Hindi pa nabeberipika ang impormasyon na may natagpuang suicide note sa mga gamit ng biktima. Nasugatan din ang range officer sa insidente. (JOJO SADIWA)