Advertisers
IPAPADALA na ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes, Agosto 3, ang mga subpoena laban kina Batangas 1st District Representative Leandro Leviste at dating Congressman Jing Paras kaugnay ng umano’y plano laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
“It was already signed last Friday but close of office hours, so it will be sent today,” ani NBI Director Melvin Matibag nitong Lunes, August 3.
Ayon kay Matibag, iimbitahan ang dalawa na humarap sa ahensya sa Huwebes.
Nauna nang ibinunyag ni Matibag ang umano’y alok na bayad ni Paras sa mga biktima ng human trafficking kapalit ng pagbuo ng kuwento at pagpirma ng affidavit laban kay Recto, na babayaran umano ng hulugan habang nagpapatuloy ang kaso.
Bago ito, ang umano’y nabigong plano ni Leviste laban kay Recto.
“If they will not attend, then we have to deal with it na accordingly kung anong ebidensya ang dadating sa amin,” ani Matibag.
“Anyway, there’s already the admission and confession nung mga subject. That’s why they’re being subpoenaed to clear the light no, kung ano bang participation nila talaga,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Matibag na handa ang NBI na tulungan sina Paras at Leviste na papanagutin ang sinumang nagbigay ng maling paratang laban sa kanila kung mapatunayang hindi totoo ang mga alegasyon.
Itinanggi nina Leviste at Paras ang anumang pag-kakasangkot sa naturang usa-pin.
Samantala, nakikipag-ugnayan na rin si Recto sa NBI at magpapadala ng kanyang mga abogado, ayon pa kay Matibag.