Advertisers

Advertisers

Bank, tax records at AMLC records ni VP Sara bubusisiin na ng prosekusyon at depensa sa susunod na linggo

0 8

Advertisers

INAASAHANG mabubuksan na ng prosekusyon at depensa sa susunod na linggo ang mga bank at tax records ni Vice President Sara Duterte, ng asawang si Atty. Mans Carpio, at ng mga negosyo nito.

Maglalabas na si Presiding Officer Chiz Escudero ng kautusan para ma-access ng magkabilang panig ang mga bank at tax records mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at anim na bangko.

Ayon kay Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, maglalabas na ng written order si Escudero sa sandaling makumpleto, hanggang August 13, ang ibinigay na palugit sa dalawang bangko na humingi ng extension sa pagsusumite ng mga financial records.



Ito na lamang ang kulang, at nainspeksyunan na ni Escudero at ng Clerk of Court ang naunang natanggap na maraming kahon ng bank at tax records.

Dagdag ni Tongol, may mahabang panahon pa para sa pre-marking ng mga dokumento dahil ito ang pinakahuling isasalang sa paglilitis sa ilalim ng Article II o ang hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">