Advertisers

Advertisers

US HINILING NA ULO NI QUIBOLOY

0 6

Advertisers

PORMAL nang hiniling ng Estados Unidos sa pamahalaan ng Pilipinas ang extradition ng nakakulong na si KOJC founder Pastor Apollo Quiboloy upang harapin ang mga kasong sex trafficking at iba pang mga krimen.

Ito ang iniulat ng mga matataas na opisyal ng gobyerno sa Bilyonaryo News Channel (BNC) nitong Huwebes.

Ayon sa mga source ng BNC, ipinadala ang kahilingan noong nakaraang buwan ng US Embassy sa Maynila sa Department of Foreign Affairs (DFA), na siya namang nagpasa nito sa Department of Justice (DOJ).



Kasalukuyang sinusuri ng DOJ — ang pangunahing ahensyang nakatoka sa paghawak ng mga kaso ng ekstradisyon — ang kahilingan ng Washing- ton.

Si Quiboloy, 76, na malapit na kaibigan at spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay kinasuhan noong 2021 ng isang US federal grand jury at napabilang sa listahan ng “most wanted” ng FBI.



Nahaharap si Quiboloy sa mga kasong sabwatan upang magsagawa ng sex trafficking gamit ang dahas, panloloko, at pamimilit; sex trafficking ng mga bata; at pagpuslit ng malaking halaga ng salapi.

Kasalukuyan nakakulong si Quiboloy sa Pasig City dahil sa mga lokal na kaso ng umano’y pang-aabusong sekswal, pang-aabuso sa bata, at human trafficking.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">