Advertisers

Advertisers

PBBM STANDING ORDER: ‘ARESTUHIN SI BATO!’

0 5

Advertisers

KINUMPIRMA ng Malakanyang na mayroong standing order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na arestuhin si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Palace Press Office Usec. Claire Castro, nagpapatuloy ang mga operasyon ng concerned government agencies kaugnay dito.

Sinabi naman ni Usec. Castro na ipauubaya na nila sa Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsagot sa mga hamon sa pag-aresto sa senador dahil sila umano ang mas nakakaalam sa mga operasyon na kailangan para mapabilis ang pag-aresto sa mambabatas.



Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad si dela Rosa matapos mag-isyu ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya. Bagamat, tiniyak naman ni DILG Sec. Jonvic Remulla na papairalin ng mga awtoridad ang legal na proseso bago tuluyang i-extradite ang senador sa ibang bansa.

Isa si dela Rosa sa pinangalanan ng international tribunal na co-perpetrators umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity may kaugnayan sa umano’y mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs.



Si dela Rosa ay nagsilbing hepe ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng Duterte administration, na nanguna sa pag-implementa ng mga operasyon tulad ng Oplan Tokhang at Project Double Barrel.

Nauna naman ng naninindigan si Dela Rosa at ang kanyang legal counsel na walang hurisdiksyon o basehan ang ICC na umaresto ng isang Pilipino nang walang otorisasyon mula sa mga lokal na hukuman.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">