R & D Entertainment Production Ni Rozz Daniels, At Sir David Daniels Naparehistro Na Sa DTI; Guesting Ng Mag-asawa At Nephews Shiharu At Brandon Special Episode Ng Aming Show Sa DWIZ
Advertisers
By Peter S. Ledesma
Mas lalong bobongga ang career ng kilalang Pop Rock Diva ng Filipinas na si Rozz Daniels. Nagtayo kasi si Rozz at american husband nito na si Sir David Daniels ng negosyong may kaugnayan sa singing career ni Rozz. At ito ay ang R & D(Rozz and Sir David) Entertainment Production na naka-registered na sa Department of Trade and Industry o DTI. Next stop ay sa SEC at BIR naman.
Aside sa career ni Rozz, layuin ng kanilang entertainment company ang makatulong at support sa mga new recording artist na hindi makapag-release ng kanilang kanta dahil wala silang distributor. Through her own RD Music label, ay kayang i-release ni Rozz ang song sa pamamagitan ng DISTROKID na distributor worldwide.
Meanwhile ang RD Entertainment Production, na rin ang maghahandle ng mga project ni Rozz, including her recording, TV and radio guesting, mall tour, concert. Sina Rozz at Sir David rin ang magma-manage ng career ng kanilang nephews and niece na sina Shiharu Torregosa-Saito, Brandon Lee Torregosa, at pretty dancer na si Monica Torregosa. Isasama silang lahat ng kanilang Aunt Rozz sa upcoming recordings nito. Unang radio guesting ni Shiharu at Brandon ay sa aming weekend showbiz radio program ni Teacher Pete sa DWIZ 882 at mapapanood sa mga TV channel ng DWIZ Aliw Broadcasting Corporation. Also sa 882 DWIZ sa aming FB Live at Youtube channel. Dito sa guesting rin nila ni Sir David, ay ipinakilala ni Rozz sa aming mga listeners at viewers si Brandon na kinanta ang Wherever You Will Go ng The Calling at si Shiharo na kumanta at nag-rap naman ng song na Vibrate ni La Mave.
Samantalang, naghandog naman ng 3 songs na Bulong Ng Damdamin(her revival single), Kasama Kang Tumanda, at ang christmas single na My One Love On Chrismas Day, na kanya na ring pino-promote. Plus yung duet nila ni Sir David ng “Something Stupid” na popularized by dad and daughter Frank Sinatra at Nancy Sinatra na may cover version din sina Vilma Santos at Edgar Mortiz.
Ang episode na ito ng aming radio show, ay itinuturing naming Special ng tandem kong si Teacher Pete. Dahil for 37 years of marriages with singer-performer wife Rozz ay ngayon lang kumanta si Sir David at dito lang sa aming programa. At dahil rin yan sa convincing powers ni Rozz na napapayag niya ang husband, na madaling natutong kumanta dahil mahusay siyang voice coach ni Sir David. Yes magkakaroon ng guest appearance si Sir David along with Shiharu, Brandon, Monica, at Torregosa Ladies sa Mall tour ni Rozz Daniels ngayong 2026. Isa sa highlight ng mall show ang duet na ito nina Rozz at Sir David. At ang pasabog na opening number ni Rozz.