Advertisers
By ARCHIE LIAO
Masaya si Direk Roni S. Benaid dahil palabas na sa mga sinehan ang pelikulang “Rosario”
“Happy ako na mapapanood na iyong horror movie na pinaghirapan namin.It’s about time na mapanood ng mga tao ang ganitong uri ng kuwento,” aniya.
Sa kabila ng malaking Hollywood movie na katapat, naniniwala naman siyang tatangkilikin ng mga Pinoy na mahilig sa katatakutan ang kanilang handog.
“Naniniwala ako na may crowd sa ganitong klase ng pelikula,” pakli niya.” Close rin kasi ang tema ng pelikula sa mga Pinoy lalo na iyong mga naniniwala sa mga pamahiin,”dugtong niya.
Aminado naman siyang may nararamdaman din siyang pressure sa magiging resulta nito sa takilya.
“Lagi namang may pressure.Iniisip ko na lang palagi na ibigay ko iyong best ko. Iyong magustuhan at tangkilikin ng mga manonood ang pelikula ay isa nang malaking bonus,” paliwanag niya.
Hindi naman ikinaila ng acclaimed filmmaker na fan siya ng magaling at premyadong director na si Chito Rono.
“Idol ako ni Direk Chito (Rono) lalo na iyong “Fengshui” at “Sukob” niya.
Fan din ako ng James Wan movies like The Conjuring at Insidious na siya kong peg,” bulalas niya.
Bilang homegrown director ng Viva, bet daw niyang maidirehe ang halos lahat ng talents ng kumpanya.
“Gusto kong makatrabaho ang lahat ng Viva artists.Viva homegrown artist din ako.Sina Ashtine, Aubrey at Rose nakatrabaho ko na. Si Rose (Van Ginkel), in the future, bet kong siya naman iyong tinatakot o tino-torture,” hirit niya.
Sey pa niya, gusto rin daw niyang makilala sa ibang genre.
“Open ako na magdirek ng ibang genre. Puwede ako sa romcom o comedy, so di ko isinasara ang doors ko,” pagtatapos niya.
Si Direk Roni ang box-office horror director sa kabila ng mga obrang Poon, Mary Cherry Chua, Marita at Nanay, Tatay.
Sa “Rosario” ay tampok sina Aubrey Caraan, Lance Carr, Yumi Garcia, Jairus Aquino, Meg Imperial, Suzette Ranillo, Rose Van Ginkel, Bernadette Allyson at Rolando Inocencio.
Kuwento ito ng magkakapatid na nagpabaon ng rosaryo sa puntod ng kanilang namayapang ina.
Naging sumpa at bangungot naman ang hindi nila paglagot sa tanikala ng rosaryo bago ilagak sa huling hantungan ang kanilang nanay.
Palabas na ang pelikula sa mga piling sinehan sa buong bansa.