Advertisers

Advertisers

SHUVEE ETRATA NAGMISTULANG SANTA CLAUS NAMUDMOD NG REGALO

0 4

Advertisers

By Rommel Gonzales

Labis ang pasasalamat ni Shuvee Etrata sa cast at crew ng GMA Prime action series na “The Master Cutter” kung saan gumanap siya bilang si Tonet.

Sa panayam ng GMA Network, sinabi ni Shuvee na na-sepanx siya sa mga kasamahan niya sa serye.

Isang malagim na kamatayan ang tumapos sa karakter ni Shuvee dahil kay Martina (Max Eigenmann) para panatilihin ang lihim ng pamilya kina Atoy (Dingdong Dantes) at Audrey (Max Collins).

Ibinahagi ni Shuvee ang magandang samahan nila ng buong produksyon.

“I always make sure I go in every show, in every event, in every taping. Alam mo yun, as my jolly self, for me to be able to shine my light onto these people kasi hindi naman natin alam yung pinagdadaanan ng mga tao.

“A little bit of your kindness or a little bit of your happiness could scatter and it could make a lot of people’s lives better or mas masaya,” saad ni Shuvee.

Gusto rin daw niyang ibahagi sa mga staff at crew ang mga regalo ng ilang brands na kanyang natanggap.

“Nung pumasok yung brands, gusto ko sila i-share. “Para sa akin, sila ang dapat talagang may matanggap. Kaming mga artista, sa front lang naman po kami. Nasa harap lang kami nito.

“Ang dami pong nasa likod ng camera na yan. So ang daming pinag-iisipan, ang daming nag-iisip, ang daming gumagawa. Hindi lahat ito mabubuo kung wala silang lahat.”

Nagbigay din siya ng mga regalo sa kaniyang co-stars.

“Gusto ko talagang ibigay sa kanila yung pasasalamat na for the past months that I was with them, naging masaya yung buhay ko. At sila yung naging normal ko. “Sila yung naging everyday life ko. So nasanay ako with them.

“‘Yung parang gigising ka sila kasama mo. 2 a.m. na sila pa rin kasama mo. Pagod ka na sila pa rin nakakakita sa iyo. Lahat ng vulnerabilities ko as a person nakita nila. And they still, they love me. You know, they make me feel so loved. So ‘yun lang sana ‘yung maibabalik ko,” pahayag pa ng Sparkle actress.

Mapanonood ang “The Master Cutter” gabi-gabi sa GMA Prime pagkatapos ng “24 Oras.” Mapapanood din ito sa Netflix.