Advertisers
Iba talaga ang charisma ni Alex Eala sa tao. Napupuno mga venue kahit sa first round pa lang ng torneo.
Ubos agad ang mga ticket sa mga match niya aan siya may game.
Pati paboritong ulam nating chicken adobo sikat sa Toronto dahil sa kanya..
Sa Pinas ay marami napupuyat sa kakapanood ng mga laro niya na ipinalalabas dito sa madaling araw dahil sa time zone.
Marahil dahil sabik ang mga Pinoy sa isang idolo. Unang tennis sensation natin kasi ang dalaga mula QC.
Napakagaling na ay maganda pa. Tapos proud na proud pa siya sa ating lahi. Mabuting halimbawa sa lahat.
Dapat pasalamatan natin ang kanyang mga magulang sa pagpapalaki sa nag-aral noon sa Colegio de San Agustin.
Nagabayan siya ng tama. May pananalig sa Diyos at pagmamahal sa tinubuang lupa.
Eka nga ni Ka Berong ay kahit sa panahon ni Manny Pacquiao hindi ganito kataas ang popularidad niya.
Babae at lalake, bata matanda hagip ni Alex.
Kahit 21 pa lang ay may ilan na siyang napatumbang mga beterana sa sport na napili.
Ilan sa kanila sina Lylah Fernandez ng Canada na defending champion ng DC Open, Qinwen Zheng ng China na gold medalust ng 2024 Olympic Games, Elina Svetolina ng Ukraine na 20x WTA champion at dating no. 3 sa mundo, Naomi Osaka ng Japan na 4x Grand Slam champ at ex na numero uno sa rankings at Jessica Pegula ng USA na former no. 3 sa mundo, Grand Slam Finalist at WTA Finals champion.
Lahat ng ito nakamit niya sa pagsisikap mula sa edad na apat na taon. Unang nagsanay sa ating pride ay ang lolo niya sa mother side na si Robero Maniego. Silang dalawa ng kuya niyang si Miko ay matiyagang tinuruan ni
Papa Lolo, ang tawag niya sa ama ng kanyang ina.
Bonding time na rin nila yon at lalo silang enjoy sa praktis pagkatapos ng klase.
Nguni’t may ilang hindi masaya sa Eala mania kabilang ang ilang kapwa Pilipino. Maingay daw mga tagahanga ni Alex sa stadium at nakakawala ng pokus ng katunggali. May etiquette daw na dapat sundin.
Pero yung organizer mismo natutuwa.
Mas maigi na raw iyon kay sa empty stands.
Eka ni Lourd de Veyra ay “live with it “.
May punto naman ang taga TV5. Sang-ayon si Aling Barang at anak niya na naglalaro na rin ng tennis ngayon.
Ano man ang maging resulta ng mga susunod na laban niya sa kasalukuyang torneo ay hindi mababago nito ang kanyang superstar status.
***
Lifetime ban ang ipinataw na parusa ng UAAP kay Tab Baldwin. Hindi na siya pwede sa liga kahit sa anong posisyon.
Ang Blue Eagles pinapayagan pang lumahok. Si Louie Alas ang bagong coach ng team.
Yung ibang coaching staff at manager ay suspended lang.
Talaga naman si Baldwin ang nasusunod sa pagpapatakbo ng koponan. Damay lang ang iba.
Noong pandemya ay napatawan ng indefinite suspension ang UST Coach na si Aldin Ayo dahil nagsagawa ng training camp sa bayan niya sa Sorsogon kahit bawal pa ang ganitong mga aktibidad.
***
Abangan sa OKS@DWBL ang isang esprsyal na episode hinggil kay Alex Eala.