Advertisers

Advertisers

Natameme mag-utol na Cayetano; at mga alyas na pangalang nakapirma

0 6

Advertisers

HINDI makasagot ngayon ng mag-utol na Senador Alan at Pia Cayetano sa mga “expose” ni Sen. Ping Lacson hinggil sa mga katiwalian sa mga proyekto sa Taguig City.
Ang pinaka-latest na bomba ni Lacson ay ang bilyones na budget insertions ng mag-utol, at reclamation na lumalabas na iligal at maraming paglabag ayon sa DENR at Laguna Reclamation Authority (LRA).
Ayon kay Lacson, si Pia ay nagkaroon ng P4.7 billion budget insertion noong 2025, habang si Alan ay nakadale ng P6.7 billion. Lupet!
Nauna nang ibinunyag ni Lacson ang ghost flood control sa  lungsod at ang mga proyektong dalawang beses binadyetan kahit natapos na sa unang labas ng badyet.
Walang sagot dito ang mag-utol na Cayetano. Hindi narin sila dumadalo sa napakalagang Impeachment Trial laban sa kanilang kaalyadong si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Sa tingin ko, kaya hindi na nagpapakita sa publiko ang mag-utol na Cayetano ay dahil abalang-abala sila sa paghagilap ng mga resibong pangontra sa mga pasabog ni Lacson. Mismo!
Bukod sa mga bombang ibinagsak ni Lacson, malaki rin ang problema ni Alan sa NBI na nag-iimbestiga ngayon sa “nawawalang bilyones” na pondo ng 2019 SEA Games.
Sabi ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, posible Plunder ang kasong kakaharapin ni Alan. Posibleng makatikim siya tumira siya sa bilangguan. Masisira ang malasutla niyang kutis. Aray ko!
***
May panawagan sa DOST ang social media peronality na si James Deaken tungkol sa pangalan ng mga bagyo:
“Dear DOST-PAGASA instead of choosing random names for typhoons, we should start naming them after corrupt officials. Especially those involved in the flood control ghost projects”.
Sang-ayon ako dito. Umpisahan sa Alan, tapos Bong. Hehe…
***
Sabi ni Fr. Ranhilio Callangan Aquino, Dean ng San Beda Graduate School of Law, “Baligod should be disbarred! If lawyers become spin-doctors, we have the utter perversion of what should be a noble profession!”
Korek si Dean Aquino.
Sampahan na ng disbarment ang gagong abogado na ito!
***
Lumabas sa mga naunang ulat na si Senador Loren Legarda ay may pagmamay-aring condo unit sa Park Avenue, New York, na binili niya 2006. Sinabi niya noon na ang ari-ariang ito ay idiniklara sa kanyang SALN bilang co-owned property at itinanggi ang mga alegasyong itinago niya ito.
Muling naging usapin ang naturang condo kasunod ng mga kasalukuyang isyung kinakaharap ni Loren.
Pero ang isyu tungkol sa  New York property ay hiwalay sa mga kasalukuyang reklamong isinailalim sa preliminary investigation, at walang pinal na hatol o desisyon na nag-uugnay rito sa mga kasong iyon.
Bakit kaya lumipad siya sa Europe? Babalik pa kaya siya?