Advertisers

Advertisers

COMELEC, HANDA NA SA BSKE SA NOVEMBER 2, PAGPAPALAWIG NG TERMINO NG BSK OFFICIALS SA 5-TAON ISINUSULONG

0 4

Advertisers

Tiwala ang Commission on Elections (Comelec) na handa na ito para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa November 2, 2026.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nakumpleto na ng komisyon ang pagbili ng mga election paraphernalia at pag-iimprenta ng mga kinakailangang balota para sa halalan.

Kasunod ito ng mga panukala mula sa ilang mambabatas na ipagpaliban ang BSKE ngayong taon at isagawa na lamang sa November 2028.

Samantala, isinusulong din ni Senator Chiz Escudero ang Senate Bill No. 2387 na naglalayong palawigin sa limang taon ang termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan officials.

Para kay Garcia, ang pangunahing usapin ay hindi lamang ang pagpapaliban ng halalan kundi ang posibleng pagpapalawig ng termino ng mga kasalukuyang opisyal.

Patuloy namang hinihintay ang magiging desisyon ng Kongreso kaugnay ng mga panukalang pagbabago sa iskedyul ng BSKE at termino ng mga incumbent barangay at SK officials.

Suportado rin ni Senator Imee Marcos ang panukala ni Escudero na palawigin ng limang taon ang termino ng mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK).

Sinabi ni Sen. Marcos na sa nakalipas na Kongreso ay isinulong pa nga niya na gawing anim na taon ang termino ng BSK subalit may ilang mga mambabatas sa dalawang kapulungan ang umangal na napakahabang panahon ito kaya nauwi sa apat na taong termino lang.

Gayunman, nagpaalala ang senadora kay Escudero tungkol sa pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa 2028.

Ayon kay Sen. Imee, alinsunod sa ruling ng Korte Suprema tungkol sa Macalintal vs Comelec noong June 27, 2023, ang termino ng BSK officials na nahalal noong 2018 elections ay natapos noong December 31, 2022.

Kung palalawigin sa limang taon ang termino ay dapat aniya sa 2027 ang susunod na BSKE at hindi sa 2028.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com