Advertisers

Advertisers

Meralco umaasa sa El Niño para bumawi sa benta ng kuryente habang lumalakas ang paggamit ng solar

0 6

Advertisers

UMAASA ang Manila Electric Co. (Meralco) sa pagbabalik ng El Niño upang mapalakas ang konsumo ng kuryente at maabot ang target nitong 2 hanggang 2.5 porsiyentong paglago sa sales ngayong taon.

Ayon kay Meralco Chief Operating Officer Ronnie Aperocho, inaasahang tataas ang demand dahil sa mas mainit na panahon na magtutulak sa paggamit ng air conditioning.

Naitala ang 6.9 porsiyentong pagtaas ng demand noong Hulyo matapos ang mabagal na unang bahagi ng taon. Gayunman, bumaba ng 0.5 porsiyento ang sales volume ng kumpanya sa unang kalahati ng taon sa 26,967 gigawatt-hours mula sa 27,091 gigawatt-hours noong nakaraang taon, kahit lumaki ang customer base sa 8.3 milyon.



Sinabi ng Meralco na isa sa mga dahilan ng paghina ng demand ang mabilis na pagdami ng gumagamit ng rooftop solar, lalo na sa mga residential customer na naghahanap ng alternatibong mapagkukunan ng enerhiya upang makatipid.

Nakaapekto rin ang pagtitipid ng mga negosyo at paghina ng industrial demand matapos ang pagsasara ng ilang planta ng bakal.



Bilang tugon, pinalalawak ng Meralco ang rooftop solar program nito sa pamamagitan ng MSpectrum Inc., na nag-aalok ng solar installation na walang paunang bayad at babayaran sa ilalim ng pangmatagalang power supply agreement upang makasabay sa pagbabago ng paggamit ng kuryente ng mga consumer.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">