Advertisers
Advertisers
Advertisers
HABANG lumalalim ang imbestigasyon hinggil sa mga tagong yaman ng pamilya Duterte, natutuklasan pati ang mga negosyo nilang “labag sa batas” at “delikado sa kalusugan” ng mga trabahador.
Oo! Mas umiinit ang usapin sa mga kuwestiyonableng flood control project matapos umanong magsalita ang ilang empleyado at ituro ang pamilyang duterte bilang may-ari ng malaking warehouse na sinasabing pinaglalagyan ng mga substandard na bakal sa Davao City.
Ayon sa alegasyon, ang naturang mga materyales ay iniuugnay sa mga flood control project na kinukuwestiyon dahil sa mahinang kalidad at hindi magandang resulta.
Dahil seryoso ang paratang at sangkot ang pondong pampubliko at kaligtasan ng mga komunidad, mahalagang magkaroon ng masusing imbestigasyon at beripikasyon ng mga dokumento, supplier, kontrata at kalidad ng materyales.
Pero hangga’t walang opisyal na resulta ng imbestigasyon, nananatiling alegasyon ang mga pahayag laban sa mayor at hindi dapat ituring na napatunayang katotohanan.
Nitong Biernes ay nagtungo sa Davao si NBI Director Melvin Matibag para personal na tingnan ang kompanyang gumagawa kuno ng bakal na sinalakay ng NBI, matapos matuklasang substandard o mahihinang klase ang mga produkto nito at delikado pa sa kalusugan ng mga manggagawa, na maaring magkasakit tulad ng TB, cancer at skin deseases.
Mahigit 140 manggagawa ang ni-rescue sa pagawaang ito ng mga bakal.
Ang may-ari ng kompanyang ito ay dikit daw sa mga Duterte. Now you know!
***
Isinusulong ng ilang mambabatas partikular ni Senador Chiz Escudero ang pagpaliban muli sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Eleksyon (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026.
Pero ang lahat ng ito ay nakasalalay sa kamay ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon sa Malakanyang, gusto munang makita ng Pangulo kung may sapat na rason para ipagpaliban uli ang BSKE, na dalawang beses nang na-reset.
Sa panukala ni Escudero, gawin nalang sa 2028 ang BSKE bago ang presidential election para raw makatipid ang pamahalaan.
Pero ang BSKE ay may sariling pondo at masyado nang matagal sa puwesto ang kasalukuyang mga opisyales.
Ang pagpaliban muli sa BSKE ay hayagang paglabag sa naging ruling ng Korte Suprema na dapat ay tatlong taon lang sa isang termino manunungkulan ang barangay at SK officials.
Marami rin ang tutul sa panukala ng mga mambabatas na ipagpaliban sa ikatlong beses ang BSKE.
Ituloy ang BSKE sa Nob. 2. Period!