Advertisers

Advertisers

‘WANTED PERSON’ ARESTADO SA BOHOL-PANGLAO AIRPORT

0 8

Advertisers

NAGULAT ang isang lalaki nang arestuhin siya ng mga awtoridad matapos na isilbi sa kanya ang warrant of arrest pagdating sa Bohol-Panglao International Airport noong Miyerkules, Agosto 12,2026.



Sa ulat ng pulisya, ang pinagsamang operasyon ng Dauis Municipal Police Station (DMPS) at ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP), Bohol-Panglao International Airport Police Station (BPIAPS) ay nagresulta sa matagumpay na pag-aresto kay alias ‘ Ben’

Ang 57-taong-gulang na pasaherong Pilipino, na dumating mula sa Maynila, ay inaresto dahil sa nakabinbing Warrant of Arrest na may petsang Abril 4, 2025, na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 3, Tagbilaran City, Bohol.



Ang warrant ay nagmula sa dalawang kasong kriminal na kinasasangkutan ng Sexual Assault at Acts of Lasciviousness, kapwa kaugnay ng RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act). Ang inirekomendang piyansa ay itinakda sa ?180,000 para sa bawat kaso.

Kasunod nito ay dinala siya sa Dauis Municipal Police Station para sa wastong disposisyon. (JOJO SADIWA)