Advertisers

Advertisers

Kampo ni VP Sara humirit ng oral argument sa kasong grave threats

0 5

Advertisers

HUMIHILING ang kampo ni Vice President Sara Duterte na magkaroon ng oral argument sa kanilang motion to quash sa grave threats charges na inihain sa kanya ng Department of Justice (DOJ) sa korte sa Quezon City.

May kaugnayan pa rin ito sa pagbabanta ng pangalawang pangulo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Pahayag ni Atty. Paul Lawrence Lim, hiniling nilang ibasura ng korte ang naturang kaso dahil sa kawalan ng hurisdiksiyon.



Naniniwala rin si Lim na hindi puwedeng kasuhan ang bise presidente dahil isa itong impeachable official base sa Saligang Batas.

Paliwanag ni Lim, kung ang isang nakaupong vice president ay puwedeng kasuhan at usigin ay puwede rin itong gawin sa mga kasalukuyang impeachable officers gaya ng Ombudsman, miyembro ng Constitutional Commissions, Supreme Court Justices maging ng presidente.



Kailangan din aniya ang oral arguments dahil sa “far-reaching consequences” o ang malayo nang nararating sa posibleng kahihinatnan ng paghahain ng criminal case laban sa pangalawang pangulo na isang impeachable officer.

Una nang sinabi ng DOJ na hindi ligtas sa kaso ang pangalawang pangulo at hindi rin handlang ang nagpapatuloy na impeachment trial sa pagsasampa ng criminal case laban sa kanya.



Ang kasong grave threats laban kay VP Sara ay nag-ugat sa kanyang statement sa online press briefing na may nakausap itong papatay sa presidente, first lady at dating House speaker kapag siya ay pinatay.

Binigyang diin din ng bise presidente na hindi joke ang kanyang mga sinabi.