Advertisers

Advertisers

MADDOX JEWELRY, NAGING TAGPUAN NG MAKULAY NA KUWENTUHAN NINA TIRSO CRUZ III AT CHARO CORDIAL

0 7

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Isa sa mga haligi ng Philippine entertainment industry, si Tirso Cruz III, ay nagbahagi ng mga kuwento tungkol sa kanyang buhay, pamilya, at mahigit limang dekadang pananatili sa showbiz nang maging panauhin siya ni Charo Cordial ng Maddox Jewelry.

Sa kanilang kuwentuhan, binalikan ng beteranong aktor ang ilan sa mga pinakamahahalagang yugto ng kanyang career at kung paano niya hinarap ang patuloy na pagbabago sa industriya.

Habang ipinapakita ni Charo ang iba’t ibang natural diamond jewelry pieces, napunta rin ang usapan sa kahalagahan ng mga alahas hindi lamang bilang koleksiyon kundi bilang investment at pamana para sa susunod na henerasyon.

Nagbahagi rin si Tirso ng ilang personal na karanasan tungkol sa kanyang pamilya at sa mga aral na kanyang natutunan sa paglipas ng mga taon.

Ayon sa aktor, malaking bahagi ng kanyang naging tagumpay ang suporta ng kanyang pamilya at ang patuloy na pagmamahal ng mga taong sumubaybay sa kanyang karera.

Sa kabila ng matagal na pananatili sa industriya, sinabi niyang nananatili siyang nagpapasalamat sa bawat oportunidad na dumarating at patuloy na pinahahalagahan ang tiwalang ibinibigay sa kanya ng publiko.

Bukod sa mga seryosong usapan, naging magaan at masaya rin ang kanilang kuwentuhan habang namimili siya ng mga alahas sa Maddox Jewelry, dahilan upang mas makilala pa ng mga manonood ang mas personal na bahagi ng kanyang buhay.
Marami pang naging makukulay na kuwentuhan at personal na rebelasyon si Tirso Cruz III sa kanyang pagbisita sa Maddox Jewelry.

Para sa iba pang updates, maaaring sundan ang official Facebook, TikTok, at YouTube pages ng Maddox Jewelry.