HINDI MAKAKABUTI SA TURISMO AT EKONOMIYA NG PUERTO GALERA ANG PANININGIL NG ENVIRONMENT USER’S FEE NA P50
Advertisers
Naintindihan natin ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalikasan at ang pangangailangan ng pondo para sa isang bayan. Ngunit may seryosong epekto ang paniningil ng P50 Environmental User’s Fee (EUF) sa mga residente ng Occidental at Oriental Mindoro na bibisita sa Puerto Galera.
Sa halip kasi na makatulong sa turismo, maaaring magdulot ito ng malaking epekto sa pagbisita ng mga lokal at banyagang turista.
Ang P50 ay maaaring maliit na halaga sa iba sa mga nakakaangat sa buhay, ngunit kung pag-uusapan ang isang pamilya o grupo na pupunta sa Puerto Galera, dagdag ito sa kanilang gastusin— lalo na yong grupo ng mga magkakaibigan at pamilya na mula sa ibang bayan sa Mindoro na nag-a outing at bakasyon sa white beach.
Ang malaking tanong: Kapag may choice ang isang turista na pumunta sa Puerto Galera ay may dagdag na environmental fee, o pumunta sa kalapit na tourist destination na walang ganitong singil, saan kaya sila mas gustong pumunta?
Maaaring isipin ng iba, “?50 lang naman.” Pero kapag pinagsama-sama ang epekto nito sa libu-libong potential visitors, maaari itong magresulta unang-una sa; – pagbaba ng local tourist arrivals;
– pag-iwas ng mga pamilya at budget travelers sa Puerto Galera – pagbaba ng bookings sa resorts, hotels at homestays;
– pagbaba ng customers ng restaurants, stores at local businesse.
Maalaki rin ang epekto nito sa boat operators, tricycle drivers, tour guides, vendors at iba pang tourism workers at pagkawala ng potential income ng buong local tourism community.
Puerto Galera is competing with other destinations. Hindi natin dapat gawing mas mahirap para sa mga turista—lalo na sa ating mga kababayan sa Mindoro na piliin ang Puerto Galera.
Kung ang layunin ng EUF ay pangalagaan ang environment, dapat hanapan ng paraan na hindi magiging hadlang sa tourism at livelihood ng ating mga kababayan.
Ang pangangalaga sa kalikasan ay mahalaga. Pero mahalaga rin ang kabuhayan ng mga taong umaasa sa turismo.
Huwag nating hayaang ang isang polisiya na ang layunin ay protektahan ang environment ay maging dahilan naman para lumayo ang mga turista at humina ang tourism industry ng Puerto Galera.
Protect our environment, but let us also protect tourism and livelihood.
Baka nga pagmulan pa ng korapsyon ng 13 barangay sa Puerto Galera ang paniningil ng EUF sa maaring malilikom na malaking pondo.
Alam niyo naman sa panahon ngayon, anywhere sa Pilipinas laganap na kurapsyon.
Ang Boracay sa Aklan ang No. 1 tourist destination sa Pinas pero never silang naningil sa kanilang mamamayan (Aklanon) ng Environmental User’s Fee (EUF) na merong 17 bayan ang probinsya ng Aklan.
Saganang akin ang Puerto Galera Municipal Ordinance No. 2025-030 o ang “Revise Puerto Galera Environmental User’s Fee System Ordinance” definitely may malaking epekto sa ekonomiya. Dapat sigurong gawin higpitan ng Pamahalaang Bayan ang environmental laws, Halimbawa bawal magkalat o magtapon ng basura itataas ang multa sa mga lalabag sa ordinansa rather than maningil sila sa lahat ng papasok sa Puerto Galera ng EUF.
Katunayan kapag pupunta ka sa Puerto Galera halos lahat may bayad, ihi P10, dumi P20, banlaw/ligo P25 , parking fee P100 hanggang P200 kapag overnigth ang singil, mahal ang mga pagkain at bilihin, mahal ang rooms at hotel at walang pampublikong CR ang white beach. Isang bayan sa Oriental Mindoro na maunlad at may malaking income pero walang maayos na programa samantalang may budget mula aa National Government kaya hindi makatuwiran na sisingilin ang mga taga Mindoro ng EUF.
Ayon sa ilang residente ng hindi umano malinaw kung saan napupunta ang pinakamalaking income ng Puerto Galera mula sa turismo.
Anila wala rin umanong reasibo (official reciept) na ibinibigay sa mga turistang nagbabayad ng EUF.
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com