Advertisers
Mula 2020 hanggang sa kasalukuyan ay umabot na pala sa mahigit 9.387 million metric tons ng burak at dumi ang nagawang tanggalin ng Better Rivers PH mula sa higit 204 kilometro ng waterways sa Metro Manila, Bulacan at Laguna.
Ang mga major rivers na nalinis na at minamantina ng San Miguel Corporation (SMC) ay patuloy na nagkakaroon ng kapasidad para sa malalaking volumes ng tubig-ulan lalo na nitong kamakailan kung saan nagtuloy-tuloy ang malakas na ulan sa loob ng dalawang linggo. Malaki ang nagagawa nito para pagaanin ang problema ng pagbaha sa mga nakapaligid na lugar.
“Since 2020, SMC has undertaken one of the country’s largest privately-funded river cleanup programs. Better Rivers PH was aligned last year with the government’s Oplan Kontra Baha, a broader flood-mitigation effort led by the Department of Public Works and Highways and the Metropolitan Manila Development Authority, with other national agencies, local governments and the private sector” pahayag pa ni SMC Chairman and CEO Ramon S. Ang.
Kelan lang, pinalawak pa ng SMC ang programang ito sa Visayas na sinimulan na sa paglilinis ng Butuanon River sa Mandaue City, Cebu.
Iniulat din ng SMC cleanup teams na walang major incidents ng pag-apaw ng ilog sa mga lugar na kasama sa programa, liban na lang sa ilang bahagi ng San Juan River nang sobrang lakas ng ulan noong August 17, kung saan lumagpas sa ‘critical levels’ ang water level.
Ayon kay Ang, ang mga nasabing ilog ay nasa ilalim ng Better Rivers PH initiative ng kompanya at ito ay nakahanay sa Oplan Kontra Baha program ng gobyerno. Nagawa ng mga ilog na ito na hawakan ang matataas na volumes ng tubig-ulan dahil sa tumaas na ‘carrying capacity’ at ‘improved flow’ ng mga ito.
Sa loob ng anim na taon ay tuloy-tuloy ang SMC sa pag-alis ng mga dumi, burak at kung ano-ano pang nakababara sa mga major waterways, pinalalim at pinalawak ang mga kritikal na bahagi at isinagawa din ang mga regular maintenance cleanups nang walang gastos mula sa gobyerno.
Ayon kay Ang, ipinakita ng mga matinding buhos ng ulan ang pagkakaiba ng ‘ river flooding’ na nagaganap kapag umapaw ang mga ilog, kumpara sa ‘localized drainage flooding’ na nagaganap man kapag nabubulunan ang mga drainage dahil sa matinding ulan o di makagalaw nang maige sa storm drains, canals, creeks at pipes dahil nga sa mga bara o kakulangan ng kapasidad ng mga drainage.
Sa datos ng DOST-PAGASA, ang Science Garden station nito sa Quezon City ay nagtala ng 201.7 millimeters ng ulan sa loob lang ng limang oras noong August 17. Ito ay halos kalahati ng 455 millimeters na naitala sa Tropical Storm Ondoy noong September 2009, nang bumuhos ang ulan sa loob ng siyam na oras.
“No river overflow was observed in San Juan City and Mandaluyong, where SMC’s cleanup teams are nearing completion of maintenance dredging. XMC has removed more than 442,700 metric tons of silt and waste from the San Juan River since 2022, including 322,700 tons from 2022 to 2024 and more than 120,000 tons from maintenance work that began in September 2025,” ayon kay Ang.
Dagdag pa niya, “along the Tullahan River, which runs from the La Mesa Dam through Quezon City and the CAMANAVA area before reaching Manila Bay, water levels remained below critical levels and no major river-related flooding was reported in nearby communities despite the heavy rains. SMC has removed more than 1.3 million metric tons of silt and waste from the Tullahan River, including about 184,000 tons from ongoing maintenance work.
Naging maayos din at walang baha ang sitwasyon sa ibang lugar na nalinis ng SMC kabilang na ang Laguna partikular sa San Pedro, Biñan, Sta. Rosa at Cabuyao, South Luzon Expressway, Las Piñas City at G. Araneta Avenue sa Quezon City.
“Cleaning up our rivers is a big help in mitigating floods, but it is not enough by itself. It is part of a bigger set of solutions. The whole system has to work, from our drains and creeks to pumping stations, flood-control infrastructure and the major rivers that carry the water downstream,” pahayag ni Ang.
“We also have a role to play. Better-flowing rivers can move floodwaters out more quickly, but water still has to reach those rivers. We need to keep garbage out of our drains and waterways,” aniya pa.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.