Advertisers
Ni Anne Venancio
Mas pinapalakas ni Piolo Pascual ang kanyang wellness advocacy matapos maging isa sa mga pangunahing celebrity ambassadors ng ZLEEP AI, isang brand na nagdadala ng smart technology sa mundo ng mattresses at sleep solutions.
Sa partnership, kinakatawan ni Piolo ang konsepto ng mas personalized at technology-driven na pahinga, kasabay ng lumalaking interes ng mga Pinoy sa mas komportable at functional na mattresses.
Sa pagpili ng mattress, karaniwang tinitingnan ng consumers ang presyo, firmness at material. Kabilang sa mga kilalang pangalan sa merkado ang Uratex at Emma, habang dumami rin ang budget-friendly options sa TikTok shops at online marketplaces.
Namumukod-tangi naman ang ZLEEP AI dahil may mga modelong gumagamit ng pressure sensors upang matukoy ang weight distribution ng katawan at makatulong sa pag-adjust ng support depende sa sleeping position.
May adjustable base din ang piling modelo na maaaring magtaas ng upper body o legs para sa mas personalized na posisyon sa pagtulog. May selected systems ding may snoring intervention, kung saan maaaring baguhin ang posisyon ng kama kapag may na-detect na pag-snore.
Bukod dito, may sleep-monitoring features ang ilang ZLEEP AI models na maaaring magbigay ng impormasyon tungkol sa movement, breathing, heart rate at sleeping patterns sa pamamagitan ng app. Wellness information lamang ang mga ito at hindi kapalit ng medical diagnosis.
May mga ZLEEP mattress din na nakatuon sa premium foam at memory foam comfort para sa mga mas gusto ang body-contouring feel.
Sa panahon ngayon na halos lahat ay nagiging “smart,” pati ang kama ay sumasabay na rin. Sa pamamagitan ng ZLEEP AI, layunin ng brand na pagsamahin ang comfort, wellness at technology para sa mas personalized na sleeping experience ng mga Pilipino.