Advertisers
Pinangunahan ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ang pagdiriwang sa bansa ng Mid-Autumn Festival o Moon Festival kasama ang mga opisyal nito, gayundun ang mga special guests at miyembro ng media.

Sa ilalim ng temang, “Celebrating Harmony, Tradition and Strong Media Partnerships,” ang nasabing pagdiriwang ay isinagawa sa Federation Building sa Binondo, Maynila, kung saan nagpahayag ng pasasalamat si FFCCCII President Victor Lim sa media para sa kanilang suporta.
Bukod kay Lim, dumalo din sa pagdiriwang sina Presidential Communications Office Assistant Secretary for Private Media Arthur Lawrence Los Banos, Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Chi Atienza, FFCCCII Vice President Jeffrey Ng, Honorary President Cecilio Pedro at board member and co-chairman of the media and public information committee Eduardo Cobankiat.
Ang higit 70-taong anyos na federation ang pinakamalaking koalisyon ng Filipino-Chinese entrepreneurs at philanthropists sa bansa. Bukod sa progressive business at economic advocacies, pinangungunahan din ng FFCCCII ang di na mabilang na socio-civic at cultural charities.
Sa kanyang speech, pinasalamatan at pinuri ni Lim ang media para sa papel nito sa pagtulong sa FFCCCII na makapag-promote ng “unity, service and progress toward ‘stronger communities, brighter opportunities and shared tomorrow.'”
Ayon kay Lim, ang Moon Festival ang ikalawang pinakamahalagang festival para sa Chinese-Filipino communities, at natutuwa umano siya at nagpapasalamat na ang FFCCCII ay ipinagdiriwang ito kasama ang mga media members.
Ang nasabing selebrasyon, aniya, ay naglalayong magdala ng mas malapit na relasyon sa hanay ng mga dumalo, kasabay ng pag-wish sa lahat ng ‘good health, happiness and prosperity’. (JERRY S. TAN)