Advertisers

Advertisers

UNIT OWNERS NG VDM BINUBUDOL NG DHSUD?

0 910

Advertisers

Pinangarap na manirahan sa condo units ay matinding stress ang dinaranas ng VICTORIA DE MORATO (VDM) UNIT OWNERS dahil sa tila binubudol ang mga ito ng pangasiwaan ng DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD) na hindi inaaksiyunan ang kanilang mga idinudulog na suliranin hinggil sa substandard na gusaling binabaha ang bawat condo units tuwing bubuhos ang pag-ulan.

Nitong nakaraang September 2 ng kasalukuyang taon ay naglabasan sa mga pagbabalita ang hinggil sa naging pag-aatas ni DHSUD SECRETARY JOSE RAMON ALILING sa lahat ng REGIONAL OFFICE (RO) at ang HOMEOWNERS ASSOCIATIONS and COMMUNITY DEVELOPMENT BUREAU (HOACDB). na nakabase sa CENTRAL OFFICE ay aksiyunan ang lahat ng nakabinbing isyu at reklamo ng mga bumibili ng bahay laban sa mga developer pati na rin ang mga isyung may kinalaman sa HOA sa loob ng isang buwan.

“As regulators, it is also part of our mandate to look after and protect the welfare of homebuyers and homeowners. Kaya naman mas paiigtingin natin ang pagre-resolba sa kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng mass conciliations sa lahat ng rehiyon, Hindi dapat tumatagal ang concerns at complaints na ipinaparating sa atin ng ating mga kababayan, lalo na ang mga homebuyers na dugo’t pawis ang ginugol upang makapagpundar ng sariling tahanan. Sa halip ay dapat agarang tinutugunan nang patas at naaayon sa batas at polisiya,” pagppahayag ni SEC. ALILING.

Ayon sa ilang UNIT OWNERS ng VDM na humiling huwag mabanggit ang mga pagkakakilanlan ay cash nilang nabili ang kanilang unit noon pang 2019 subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin maibigay sa kanila ang TITLE OF OWNERSHIP sa kanilang inookupahang unit.

Ayon pa sa mga kunsumidong unit owners ay paanong naisyuhan ng QUEZON CITY-DEPARTMENT OF BUILDING OFFICIAL ang VDM gayung sa record ng DHSUD ay INCOMPLETE pa ang construction ng VDM.., na ang naisumite pa lamang daw ng NEW SAN JOSE BUILDERS (NSJBI) sa DBO ay ang MECHANICAL PERMIT COMPLETION.

“Yung Mechanical Permit Completion pa lang ang naisubmit po sa DBO ng NSJBI.., instantly binigyan na sila ng Occupancy permit.., e marami po kasing dapat na permit ang need i-comply ng NSJBI na kailangang maisumite nila sa DBO. Hindi lang po yung iisang Mechanical Permit na yun bago talaga bigyan ng DBO ng OCCUPANCY PERMIT ung building,” pahayag ng isang unit owner.

Ipinunto rin ng ilan pang unit owners ang sinabi ni DHSUD SEC. ALILING ang litanyang.., “alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., dapat mas mabilis at malinis ang paghahatid natin ng serbisyo sa ating mga kababayan..,” pero bakit daw ang idinudulog nilang problema sa DHSUD ay halos mag-iisang dekada na ay wala pang nagiging solusyon; na nitong mga pagbuhos ng ulan ay dumadaloy rin ang agos ng tubig sa loob ng mga condo units at ang sistema ay naglabasan ang mga dagang nagsisilanguyan sa tubig-baha ng kanilang condo units.

Pagpupunto pa ng ilang unit owners na .., “it is expected that the appropriate unit, division, or personnel to whom these matters were referred will also take proper action, not merely impose penalties and collect penalty fees. For several years, the responses to complaints have been limited to generic replies, lacking clarity, accountability, and actionable solutions. A deadline was previously set to complete the entire Victoria De Morato building following the initial complaints. Yet, as of 2026, the building remains unfinished, leaving residents exposed to ongoing risks. We deserve a clear plan, a true timeline for completion, and assurance that our safety is prioritized not compromised. AGAIN, we urge your office to provide a substantive update and outline the specific measures being implemented to finally resolve these issues!”

PAGING DHSUD SEC. ALILING.., baka hindi umaabot sa inyong tanggapan ang reklamo ng VDM UNIT OWNERS e pakikalampag ang inyong mga tauhan para naman masolusyunan ang matagal nang inirereklamo ng mga CONDO UNIT OWNERS na nahaharap sa peligro ang kanilang buhay ay kailangang mapagtuunan po ninyo ito para naman magkaroon ng kaganapan sa minimithi ni PRES. BONGBONG MARCOS JR sa mabilis na pagseserbisyo sa ating mamamayan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.