Advertisers
PORMAL nang nanumpa kamakailan lamang si dating Army Lieutenant General Danilo G. Pamonag dating, bilang Executive Director ng National Secretariat ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Bukod sa galing sa serbisyo militar, di na bago itong di Undersecretary Pamonag sa larangan ng civilian public service, dangan kasi, siya ay dati na rin undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa seremonyang pinangunahan ni Executive Secretary Ralph G. Recto, nailahad ni Pamonag na mula sa kanyang pangunguna sa mga sundalo sa ilan sa pinakamabibigat na labanan kontra-terorismo, isang panibagong misyon naman ngayon ang kanyang haharapin.
Isang bemedaled warrior nga pala itong ‘mama’ para sa inyong kaalaman. At pihado along kayang-kaya niyang pag-isahin ang pambansang pamahalaan, local government units (LGUs), civil society at mga komunidad upang gawing sentro ng kabuhayan at oportunidad ang mga lugar na dating sinalanta ng armadong tunggalian.
Hudyat ang kanyang pag-upo sa NTF-ELCAC, mas pinaigting na koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan, LGUs, civil society organizations at mismong mga mamamayan ang gagawin nito, upang mapatatag ang mga tagumpay laban sa insurhensiya at maisalin ang mga ito sa pangmatagalang kaunlaran, trabaho at mas maraming oportunidad sa mga dating conflict-affected communities.
Nakasandig ito sa Whole-of-Nation approach, na kumikilala na hindi kayang makamit ng militar, pulisya o alinmang ahensiya lamang ang pangmatagalang kapayapaan. Kailangang magsanib-puwersa ang buong pamahalaan at lipunan upang tugunan ang kahirapan, pagkakahiwalay ng malalayong komunidad, kakulangan sa pangunahing serbisyo at limitadong oportunidad na matagal na nakaapekto sa mga lugar ng tunggalian.
Pangungunahan ni Pamonag ang pagpapatupad ng National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD) 2025–2028, habang higit na palalakasin ang convergence ng mga programa ng pambansang pamahalaan at LGUs at ang pakikilahok ng civil society at mga komunidad upang ang mga proyekto at serbisyo ay tumugon sa aktuwal na pangangailangan ng mamamayan.
Mahalagang instrumento rito ang Barangay Development Program (BDP), na naghahatid ng farm-to-market roads, suplay ng tubig, elektripikasyon, health facilities, mga paaralan at iba pang pangunahing proyekto sa geographically isolated at dating conflict-affected barangays. Layunin nitong iugnay ang mga dating liblib na pamayanan sa mga pamilihan, serbisyo ng pamahalaan at mas malawak na oportunidad sa ekonomiya.
Bitbit ni Pamonag sa bagong tungkulin ang ilang dekadang karanasan bilang mandirigma at lingkod-bayan. Isa siya sa mga pangunahing commander noong 2013 Zamboanga Siege at kalaunan ay namuno sa Joint Special Operations Task Force “Trident” noong 2017 Marawi Siege, kung saan pinangunahan niya ang mga puwersang nasa frontline laban sa Daesh-inspired terrorist elements.
Welcome to the club sir. Nakakasiguro ang Administrasyon Marcos na maipagpapatuloy mo ang magandang nasimulan ng NTF-ELCAC.
Bakit ka ninyo, na naman. Dahil sa kanyang pamumuno at katapangan sa labanan, kinilala si Pamonag bilang unang Asian recipient ng United States Special Operations Command Medal matapos ang matagumpay na pagsagip sa mga hostage sa Zamboanga crisis. Isa lamang yan na patunay na kaya ng ‘mama’ ang nakaatang na tungkulin.