Advertisers
PINATUNAYAN ni Batangas PNP Acting Provincial Director Col. Oliver Ebora ang tunay na kahulugan ng manta ng Philippine National Police (PNP) – ang paglilingkod na “tapat at maaasahan”. Ito ay matapos na madiskubre ng mga operatiba ni Col. Ebora ang tinatawag na “pana-pana” petroleum pilferage operation sa bayan ni Bauan, Batangas Mayor Wendah Dolor.

Nabura sa sirkulasyon ng mga magnanakaw ng petroleum product ang paihi/buriki sa Brgy. San Pedro, Bauan matapos na masabat ng mga operatiba ng BPPO ang isang Isuzu Elf na minamaneho ni alyas Brian sa Brgy. San Juan, sa bayan ni Mabini Mayor Noel Luistro.
Si alyas Brian ay ang kapitalista at mismong lider ng paihi/buriki group na may kuta sa Brgy. San Pedro sa bayan ni Bauan Mayor Wendah Dolor. Patungo ang Isuzu Elf truck na minamaneho ni alyas Brian sa kanilang kuta nang maharang ng mga opertiba.
Nadiskubre ng mga tauhan ni Col. Ebora na nagkaroon na ng malaking pagbabago ng istilo ang sindikato sa kanilang pagnanakaw na nakagawiang pagpapatulo o pagsipsip ng krudo, gasolina, gas at iba pang petroleum product kasama na ang pagpapasingaw ng Liquified Petroleum Gas (LPG) mula sa mga tanker at capsule truck sa kuta ng sindikato.
Hindi na pinapapasok sa kanilang nababakuran at mahigpit na nababantayang kuta ang mga pinagnanakawang tanker. Sa halip ay nagtatagpo na lamang sa isang tagong lugar ang tanker truck driver at ang tanker o cargo truck at ang sindikato at doon isinasagawa ang pagnanakaw.
Sa kalaliman ng gabi hanggang madaling araw isinasagawa ang pagnanakaw na lingid sa mga depot manager, trucking firm hauler at mga lehitimong gasoline station operator. Kalaboso ngayon ang lider ng sindikato na si alias Brian.
Saludo ang SIKRETA sa matagumpay na police operation ni Col. Ebora at ng mga masisipag na operatiba nito. Ipagpatuloy sana ng magiting na Batangas PD ang paglansag sa sindikatong paihi/buriki at pasingaw hanggang sa malansag din ang iligal na gawain ni alyas Bunny na kilala ding alyas Sgt. Mercado sa Ibaan, Batangas.
Kailangang buwagin din ni Col. Ebora ang protection racket nina alyas Adie, Magsino, Dondon Cainta alyas Sgt. Cruz na nagpapakilalang weekly intelhencia tong collector sa mga ilegalista ng tanggapan nina PNP Chief Gen. Jose Nartatez Jr., CIDG Dir. MGen. Robert Alexander Morico II at PNP Region 4A Dir. PBGen. Dominic Baccay.
Kapitalista ni alyas Bunny o alyas Sgt. Mercado ang drug pusher na tomboy Chinese military spy, gamit na bentahan ng shabu ang kuta nila sa malapit sa STAR Tollways, Ibaan Exit, police headquarters at Ibaan Municipal hall. Dumadaloy ang shabu na nanggagaling pa sa mainland China sa buong lalawigan ni Batangas Gov. Vilma Santos- Recto mula sa kuta nina Bunny/ Sgt. Mercado.
Tumakbo at nanalong mayor noong 2022 election ang naturang tomboy Chinese military spy na hindi naamoy ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ngayon ay kapitalista pa ni alyas Bunny alyas Sgt. Mercado sa pasingaw sa Ibaan at banta sa seguridad na tomboy Chinese military spy.
Sa pasingawan o illegal LPG refilling outlet nina Bunny/Sgt. Mercado sa Ibaan nanggagaling ang mga kulang sa timbang o underweight na LPG tank na binebenta sa mercado sa Batangas City, Lipa City, maging sa buong CALABARZON at Metro Manila.
Malaking hamon ang pagsawata sa operasyon ng pasingawan sa Ibaan at dito masusubok ang integridad at husay ng Batangueñong si Col. Ebora. May karugtong.
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144