Advertisers
Noong Miyerkules ng umaga, kumalat ang balita na isang mambabatas ang dadakpin sa salang pandarambong, o plunder. Hindi kinilala ang mambabatas ngunit dahil matunog na maaaring ito’y si Alan Bitter Cawatano, hindi nag-atubili ang butihing senador na kara-kara pumunta sa NAIA, sumakay ng eroplano papuntang Singapore, at tuluyang tumakas.
Hindi totoo ang balita. Kuryente, ang tawag sa mga tsismis na naging balita. sa pamamahayag. Walang mambabatas na dinakip sa araw na iyon dahil sinampahan ng plunder. Dahil kumalat ang tsismis mula sa hanay ng DDS, ito ang dahilan upang malito si Cawatano, kabahan ng labis, at tumalilis upang iligtas ang sarili. Biglang umalis at tumakas. Hindi nagpaalam kahit kanino.
Iyan si Alan Bitter Cawatano. Mahilig magmalinis. Mahilig magmagaling. Mahilig magpanggap. Ngunit sadyang nerbiyoso at hindi sanay na humarap sa pananagutan. Sa isang iglap, nawawala sa sarili kahit sanay humawak ng kopya ng Bibliya. Walang prinsipyo sa buhay. Nabubuhay sa pagkukunwari si Cawatano.
May mga kaibigan ang nakapuna na hindi nagpalit ng damit si Cawatano mula sa Senado. Kung ano ang suot niya mula sa sesyon ng Senado bilang hukuman sa impeachment trial ni Misfit Sara, ito rin ang suot niya noong lumipad siya patungong Singapore. Ito ang indikasyon na patakas siyang tumalilis. Wala siyang panahon upang magpalit ng damit.
May nakalap kaming balita na naunang nagtanong si Cawatano ng biyahe papunta sa Dubai. Nang malaman niya na sa hatinggabi pa magkakaroon ng biyahe papuntang Dubai, bumili na lang siya ng tiket papuntang Singapore. Mula sa Singapore, lumipad si Cawatano sa destinasyon na hindi malaman kung aling bansa sa Europa.
May iba’t-ibang interpretasyon sa pagtalilis ni Cawatano. May nagsabi na paraan niya at kapatid na Pia upang hindi maipit sa botohan sa Senado. Walang matwid upang bumoto sila hindi guilty si Misfit Sara. Malinaw na nagkasala si Misfit Sara sa mata ng batas.
Kaya upang hindi bumoto ng guilty, minabuti ang umalis at babalik kapag natapos ang trial ni Misfit. Mas madaling makakabalik si Pia ngunit hindi si Alan Bitter. Batid na may isinampang plunder laban sa kanya. Hindi niya kayang bilhin ang mga nasa likod nito. Kahit maraming nakulimbat si Cawatano, hindi niya ito magagamit para sa kanyang kalayaan.
***
SA KANYANG pagharap sa Saturday News Forum, ipinaliwanag ni Howard Calleja, isang civil society leader, abogado, at propesor sa batas, na hindi matatag ang bilang na 16 upang hatulan ng guilty si Misfit Sara. Magpupulong sa ika-23 ng Setyembre ang mga aktibong senador upang desisyunan kung ibaba nila ang bilang sa dalawang ikatlo, o 2/3 ng bilang ng mga aktibong senador na nakikilahok sa proseso ng paglilitis ni Misfit.
Hindi dapat isali ang mga hindi aktibo, lalo na iyong mga hindi sumumpa bilang senador-hukom, may sakdal sa hukuman at nakakulong, at ang mga biglang umalis at tinalikuran ang kanilang sinumpaang tungkulin bilang senador-hukom. Magkaiba ang Senado bilang kapulungan na gumagawa ng batas at bilang impeachment court. Ito ang dahilan kung bakit magkaiba ang kanilang sinumpaang tungkulin.
May katwiran na ibaba ang bilang ng mga aktibong senador, ani Calleja. Hindi 16 sa 24 senador dahil hindi lahat ng 24 na senador ay aktibo sa proseso ng impeachment trial. Hindi sumumpa si Bato dela Rosa bilang senador-hukom, ani Calleja kaya 23 na senador na lang ang nabibilang. Nagtago si Bato dahil sa matinding takot na makulong kaugnay sa kanyang partisipasyon sa madugo pero palpak digmaan kontra droga ni Gongdi. Siya ang pangunahing mamamatay tao ni Gongdi dahil siya ang nagpatupad ng malawakang pagpatay sa mga pinaghinalaang adik at tulak ng ilegal na droga.
Suspendido si Junggoy Estrada at Rodente Marcoleta dahil sa operasyon ng batas. Nahaharap sila sa paratang na plunder sa Sandiganbayan. Dahil suspendido, hindi sila aktibong nakilahok sa impeachment trial. Walang katwiran upang payagan silang bumoto. Alisin si Junggoy at Rodente, 21 na lang ang senador na aktibong kalahok sa proseso.
Nangibang bansa si Loren Legarda kasama ang estafador na anak. Sinabi niya mayroon siyang malalang sakit na hindi malaman kung ano dahil hindi niya ibinunyag.. Hindi natin alam kung totoo o hindi. Nagsisinungaling man o hindi, malamang na hindi agad bumalik si Loren at makilahok sa proseso. Kaya pababa ang bilang sa 20 senador.
Kung 20 ang bilang ng aktibong senador, lumalabas na 13 boto lang ang 2/3 o dalawang ikatlo na boto upang hatulan ng guilty si Misfit Sara. Ito ang tantiya ni Calleja sa harap ng mga mamamahayag. Kapag hindi bumalik ang magkapatid na Cawatano at tuluyang hindi na sumali sa paglilitis ni Misfit, bababa ang bilang sa 18 ang bilang ng senador na aktibo sa proseso. Lalabas na 12 ang 2/3, o dalawang ikatlo, ang boto.
Maaaring gamitin ang kinilala na jurisprudence na unang inilatag ng Avelino v. Cuenco desisyon ng Korte Suprema noong 1949. Sinasabi ng desisyon na ang bilang ng mga aktibong senador ang batayan sa bilang ng anumang desisyon. Hindi kasama ang mga hindi aktibo.
Kaya kapag ginamit ang Avelino v. Cuenco bilang batayan, 12 o dalawang-ikatlo ng 18 senador lang ang kailangan upang sabihin na maysala si Misfit Sara. Sapat na ito upang alisin siya sa poder bilang pangalawang pangulo at tuluyang diskwalipika na sumali sa anumang halalan kasama ang halalang panguluhan sa 2028.
Kailangan lang ng 10 boto sa ika-23 ng Setyembre upang ilatag ang bagong patakaran sa boto ng Senate impeachment court. Opinyon lang ni Tricky Tsis na 16 ang kailangan boto. Walang karapatan na bumoto at hindi mga kasali at ipinuwera ang sarili sa proseso. Malinaw iyan.
***
MGA PILING SALITA: “Nanakawin lang niya ang pera ng bayan, gusto may respeto pa sa kanya. Ibang klaseng mandarambong ito. Demanding si Misfit Sara … “ – PL, netizen, kritiko
“It’s refreshing to see an intelligent House of Representatives. It’s illuminating to hear veterans like Robert Ace Barbers and newcomers like Jinky Luistro, Joel Chua, or Jude Acidre. The Senate suffers by comparison. The Dutertes and Inferior Davao guys are sad sacks for becoming the punching bags of the brilliant lawmakers. Wala kasi silang itinatagong galing. Puro mga patapon at pipitsugin.