Advertisers
Sinasabing nais ipagpalit ng Lakers ang dalawang nilang cager na sina Jarred Vanderbilt at Dalton Knecht.
Matagal na isyi na ito. Gusto raw ng kampo ni GM Rob Pelinka na bago magsimula ang training camp ay maisagawa na nila ito.
Ayon naman kay Pepeng Kirat ay si Bronny James ang dapat mawala sa line up. Pero hindi naman makatagpo ng interesado . Pati yata ang 76ers na nandoon na si LeBron ay ayaw din.
Sayang ang shooter na si Knecht at defense expert na si Vanderbilt. Tamang gamit lang dapat sa kanila.
Kumpiyansa sa mga sarili ang unang need ng 2024 rookie at ng 2023 transferee. Naipakita na nila ito noon nguni’r naglaho lang.
Ang 25 años at 17th pick na si Dalton ay deadshot sa tres at may drive din. Dapat lang mag- improve kanyang depensa.
Si Vando naman ay galing sa injury. Pinipilit niyang maging bihasa sa three point line lalo at iniiwan siyang open.
Ang dayunyor ni LBJ ay accommodation lang sa kanya. Eh ano pa silbi niya kung umalis na ang ama. Sayang slot niya. Kung walang team kukuha ay iwaive na lang.
***
Hindi natin sinisisi ang mga player ng Gilas sa Asian Games. Hindi nila kasalanan na sila nasa Nagoya ngayon.
Kagagawan ito ng SBP at ng coaching staff.
Isama na rin natin ang mga liga gaya ng PBA at UAAP na hindi nagpahiram ng kanilang mga atleta sa national squad.
Habang sinisulat natin ang pitak na ito ay nakikipaglaban ang ating koponan kontra sa China.
Hindi inaasahan magwagi sina Robert Bolick sa mga Tsino. Ang layunin lang ay hindi tayo tambakan ng higit sa 37 puntos upang makapasok pa tayo sa quarterfinals.
Pero sakaling may milagro at manalo tayo ay maraming salamat Lord.
***
May mga isinisigaw ang pangalan ni Alex Eala bilang bet nila sa pagkapangulo sa 2028.
Batid nilang 21 na taon lang ating tennis sensation at underage para tumakbo sa pinakamataas na posisyon.
Kaso si Alex lang daw ang pwedeng tumalo sa frontrunner na spoiled brat.
Naku tigilan na ninyo ang kahibangang yan. Imposible.
Kung pag-aaralan lang nating maigi ang sitwasyon at masusing susuriin ang mga kandidatong kwalipikado ay kakayanin natin mahinto ang kawalanghiyaan ni Inday.
***
Alam nyo ba? Na kung may isang Wesley So ng chess na tinalikuran ang Pilipinas at lumipat siya ng federation sa Estados Unidos pero ding reverse.. Kasi mayroon ding pinili ang bansa natin na bayan ng kanyang mga magulang kay sa ng tinubuang USA. Siya si Melissa Bulanhagui na figure ice skater. Pagkatapos niyang katawanin ang Amerika noong kabataan ay minabuti niyang maging Pinay sa mga susunod na kumpetisyon. Kaso nang lumaon ay siya na gumagastos sa kanyang pagsasanay at paglalakbay. Hala tapos ay hindi pa siya ganap na naging representante ng ating republika.