BOC pinangunahan inspeksyon sa nasabat na humigit-kumulang P199.7 milyong halaga ng shabu mula Canada
Advertisers
Pinangunahan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang inspeksyon sa nasabat na humigit-kumulang P199.7 milyong halaga ng shabu, kush, at liquid methamphetamine na idineklarang “personal effects” mula Canada.
Sa pamumuno ni Commissioner Nepomuceno at sa patuloy na pagiging alerto ng Port sa ilalim ni BOC-NAIA District Collector Atty. Yasmin O. Mapa, naging matagumpay ang operasyon sa pamamagitan ng X-ray screening at masiglang inter-agency coordination—alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa smuggling at ilegal na droga.
Dumalo at nagprisinta rin sa ginanap na inspeksyon sina Paircargo SDC Dr. Siegfred ‘Yeye’ Manaois, Deputy Commissioner Nolasco Bathan, ESS Director Noel Estanislao, Director Thomas Narcise, Director George Aliño, Atty. Jek Casipit, CAIDTF Executive Officer Atty. Gilbert Ordoña, at iba pang opisyal. (BONG SON)