Advertisers

Advertisers

‘IMPEACHMENT’ KAHIT “DUMILAT” ANG ATING MATA!

0 3

Advertisers

DAPAT tayong “kumapit” pa sa “silya” at “maghigpit pa ng sinturon” sa inaasahang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo matapos tuluyang magsara ang lahat ng daluyan ng ‘oil export’ ng Saudi Arabia—Strait of Hormuz sa Persian Gulf, Bandar al Mandab sa Red Sea at ang ‘East-West Pipeline’ na ‘emergency route’ ng Saudi para sa mga langis nito mula sa Persian Gulf patungong Red Sea.

Saudi Arabia ang may pinakamalaking produksyon ng langis—at isa sa ating ‘major oil suppliers’ sa buong Middle East. Nagkaganito ang sitwasyon dahil sa “pang-uurot” ng mga Kano sa KSA na atakihin ang mga ‘Houthis’ sa Yemen na kaalyado ng Iran.

Sa “pagkuwenta” ni Uncle Sam, magiging “mahina” ang militar ng Iran at mababawasan ang kakayahan nitong patuloy na isara ang Strait of Hormuz kung aatakihin ang Houthis dahil Iran ang nagbibigay dito ng mga armas at pera.

Kaya lang, napakalaking ‘wrong mistake!’ at nadamay na naman sa perwisyo ang mga bansa sa Asya katulad ng ‘Pinas.

Sa mga ulat, dalawang beses umapela si Muhammad Bin Salman (MBS) na lider ng KSA, kay US President Donald Trump upang bombahin ang mga Houthis at sumalakay ang mga sundalong Kano subalit, tumanggi si Trump.

“Kuntento” na ang mga Kano na bigyan lang ng ‘real-time intelligence’ si MBS at karagdagang mga armas (na babayaran ng KSA) pero ang muling giyerahin ang Houthis? Ano ka MBS, “sinusuwerte,” hehehe!

Ang dahilan? May ‘secret deal’ pala ang dalawa na hindi tatargetin ng Houthis ang mga ‘oil tankers’ ng mga Kano sa Red Sea basta hindi ito makikialam sa away nila ng Saudi at Israel.

Translation? Walang pakialam ang mga Kano kung matigok ang mga Saudi, bumagsak ang ekonomiya nito dahil hindi makapag-export ng langis at malubog sa krisis ang iba pang bansa katulad ng Pinas—basta protektado ang interes nila.

Ganyan kawalanghiya, mga kabayan, ang mga Kano sa mga “kaibigan” at kaalyado” nito tulad ng KSA at Pinas. ‘America first and to hell with the rest!’

Sa ngayon, “subsob” na ang piso sa palitang higit P62 kada dolyar dahil sa matinding krisis sa ‘global economy’ na resulta ng agresyon ni Trump at Israel sa Middle East.

Pero ang ating mga opisyal? Patuloy na nanininiwala at sumasamba sa mga Kano. At siyempre, uunahin pa rin ang impeachment kasehodang dumilat lahat ang ating mga mata!