Advertisers

Advertisers

Eala puntirya ang No. 4 seed sa Singapore Open

0 4

Advertisers

KUMPIYANSA si Alexandra “Alex” Eala na makuha ang No.4 na pwesto at isang first-round bye sa WTA 500 Singapore Tennis Open na nakatakda mula Setyembre 21 hanggang 27.



Sa simula, ika-6 na puwesta si Eala,at pang-18 sa mundo, at umakyat ng dalawang pwesto matapos umatras sa torneo sina ika-13 na si Diana Shnaider at ika-15 na si Sorana Cirstea.

Dapat sana ay sila Shnaider at Cirstea ang kumuha ng ika-4 at ika-5 na puwesto, ayon sa pagkakasunod.



Ang apat na nangungunang seeds sa torneo ay makakakuha ng bye sa unang round.

Ang World No. 3 na si Jessica Pegula ang No. 1 seed habang ang No. 5 na si Mirra Andreeva at No. 10 na si Amanda Anisimova ay ang No. 2 at No. 3 na seeded players.