Advertisers

Advertisers

WALANG PAGLABAG

0 5

Advertisers

WALANG lalabagin ang Senate Impeachment Court (SIC) kung baguhin nila ang conviction threshold, o takdang bilang ng mga senador upang hatulan ng “guilty” si Misfit Sara na kasalukuyang nahaharap sa paglilitis ng SIC, ito ang iginiit ni Kin. Joel Chua ng Maynila na kabilang sa 11-katao Prosecution Team na ipinadala ng Camara de Representantes sa SIC.

“Pero sinabi [noong Miyerkules] ng mga mahistrado na hindi, walang [nilabag] dahil unang-una, wala namang botohan na nangyari,” ani Chua bilang patunay sa konsultasyon noong ika-16 ng Setyembre kung inanyayahan ng SIC ang apat na retiradong mahistrado ng Korte Suprema na naglahad ng kanilang pananaw sa voting threshold sa SIC.

“Isa sa mga maganda rin na napag-usapan kahapon ay kung magkakaroon ba ng violation dahil in the middle of the trial ay biglang magbabago kung saka-sakali ng desisyon,” ani Chua. Itinakda ni SIC Presiding Officer Francis Escudero sa bilang na 16 na senador ang conviction threshold dahil kinakatawan ng 16 ang dalawang-ikatlo, 2/3 ng buong bilang na 24 ang kasapi ng Senado.

Lumitaw ang alinlangan sa takdang bilang dahil hindi lahat ng mga senador ay nagkaroon ng pagkakataon na lumahok sa proseso ng SIC. “Dahil kung maalala po ng ating mga kababayan, una pa lamang pagbubukas ng impeachment ay sinabi na nang ating presiding officer na ang threshold ay 16,” ani Chua. Pinuri ni Chua ang desisyon ng SIC na muling tingnan ang voting threshold at inaanyayahan ang mga mahistrado bilang amici curiae.

“At yung ginagawa ng senator-judges mag-iimbita ng amicus curiae ay pag-e-exercise ng due diligence,” ani Chua. Nakatakdang iharap sa susunod na linggo ng prosekusyon at depensa ang kani-kanilang legal position sa usapin ng pagbabago ng voting threshold.

Sa pagharap ni Chua sa pulong balitaan noong Huwebes, hiningi niya sa mga kasapi ng SIC na harapin ang damdamin ng publiko hinggil sa paglilitis ni Misfit Sara. “Kaya bumoto kayo ayon na sa tingin ninyo ay ninanais ng taong bayan,” aniya.

Nag-apela si Chua sa kanyang pagtalakay sa payo na ibinigay ng mga retiradong mahistrado sa SIC noong Miyerkoles. “But the fact na ito ay ibinato sa mga Senator-Judges, at ang mga prosecutors na pinili ng ating Saligang Batas ay mga miyembro ng Kamara, ibig sabihin ito ay paglilitis para sa taong bayan, yung accountability,” ani Chua.

“Huwag tayong masyadong technical sa mga proseso dahil hindi naman kailangan yung proseso kung anuman ang naaayon sa ating rules of court, ang dapat na sinusunod,” aniya. “Kahapon narinig din natin yung salitang ‘truth’ and ‘fairness’, so napakaganda nito, at sinasabi rin sa ating mga Senator-Judges na mag-desisyon kayo base sa iyong posisyon, dahil maliwanag naman kung ano ang intention ng batas na ito ay litisin, kagaya ng paglilitis sa korte, ‘di sana ibinato itong oblisgayon na ito sa korte,” ani Chua.

Hindi mahahatulan ng mga senador-hukom ang sakdal kay Misfit Sara kug hindi nila nakikita ang mga saksi at kahit ang pangalawang pangulo, ani Chua. “So paano nila masasabi, paano sila makakapag-desisyon nang tama kung hindi nila nakikita personally ang mga testigo habang sila ay dina-direct o kinu-cross ng prosecutor at defense?” aniya

***

MAY katwiran na nagpupuyos sa ngitngit ang mga taga-usig dahil sa katabilang ni Misfit Sara. Sa isang pahayag, inamin ni Kin Terry Ridon ng Bicol Saro Party List na hindi siya natutuwa sa sinabi kamakailang ni Misfit Sara. Para sa kanya, malinaw na paglabag ito sa sub judice rule na inilatag ng SIC upang maiwasan ang mga walang katuturang salita.

Aminin man o hindi ni Misfit, ngunit hindi siya nangingiming impluwensiyahan ang SIC ng sabihin niya ito sa video message noong ika-7 ng Setyembre: “Hawak man ni Marcos ang mga senador, fiscal, huwes, at mga pulis, napakaraming abogado naman ang tumutulong sa akin upang ipaglaban at mapanalo ang mga kasong ito.”

Ayon kay Ridon, sakop ng alintuning sa sub judice ang lahat ng sangkot sa paglilitis ni Misfit Sara sa SIC: respondent, prosecution, defense, at senator-judges. Ayon kay Kin. Zia Alonto Adiong, sinasapawan ng pahayag ni Misfit ang integridad ng Malacañang nang sabihin niya na kontrolado ng Malacanang ang mga senador-hukom.

***

HAHANAPIN ng mga taga-usig sa paglilitis ni Misfit ang record at testimonya ni Baste Duterte, alkalde ng Davao City, tungkol sa negosyo sa City Hall na iniugnay kay Misfit, paglilinaw ni trial spokesman Kin Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur.

“So meron talagang nakikita natin ng direct business interest,” ani Adiong bilang pagkumpirma na tinitingnan ang mga ilegal na negosyo ni Misfit sa City Hall sa kanyang tagong yaman.“So apparently ang nanalo doon sa mga portions ng mga supplies ay yung isang negosyo na isa sa may-ari ay vice president Sara Duterte,” aniyad.

Naglabas ang SIC ng subpoena upang obligahin si Baste na magpaliwanag sa business interest ni Misfit at asawang mans Carpio. Kinilala ang kompanyang Gencorp Industries Inc. na mayroon kaugnayan sa City Hall. Lumabas ang kompanya sa SALN ni Misfit na iniharap sa SIC. Hiningi ng subpoena ang ga transaksyon at City Hall record at kontrata mula 2020.