Advertisers
SA pagdinig sa ‘petition for bail’ nina Senador Rodante Marcoleta, dating congressman Mike Defensor at dalawang negosyante sa Sandiganbayan 3rd Division nitong Huwebes, Sept. 17, ibinuking ng isa sa mga donor na nag-solicit sa kanya ng campaign fund ang senador noong 2022.
Nakasaad ito sa notarized affidavit ng pribadong negosyanteng donor na si Aristotle Viray.
Dahil dito ay lumabo ang pag-asa ni Marcoleta na mabigyan siya ng piyansa sa kasong Plunder na isinampa ng Office of the Ombudsman.
Si Viray ay nagbigay ng P20 million kay Marcoleta, habang P25 million naman ang ibinigay ng isa pang negosyanteng si Joseph Espiritu, at P30 million ang kay Defensor para sa kabuuang P75 million.
Ang halagang ito, na sinasabi ni Marcoleta na ibinigay lamang sa kanya ng tatlo, ay hindi niya idineklara sa kanyang SALN at SOCE sa Comelec pagkatapos ng halalan noong 2022 dahil ang gusto raw ng tatlo ay sekreto lamang, ayaw malantad sa publiko.
Ang pakusot na ito Marcoleta ay nakalusot sa Comelec, pero hindi sa matalas na Ombudsman “Boying” Remulla.
Sinabi ng Ombudsman, ayon narin mismo sa naging statement ni Marcoleta, na ibinigay sa huli ang naturang “campaign fund” habang nakaupo pa itong congressman, kungsaan bawal na bawal ito sa ating Saligang Batas dahil ginamit niya ang impluwensya habang nasa puwesto pa sa gobierno.
Dito nag-ugat ang pagkakulong sa Plunder ni Marcoleta, at nadamay ang tatlo niyang donors.
Ang kawawa ay sina Espiritu at Viray, nakuwartahan na nga ay nakulong pa sa kasong walang piyansa. Tsk tsk tsk…
Hindi bale na si Defensor makulong. Marami naman talaga siyang nadale sa kaban ng publiko simula nang mapasok sa politika at maging pangunahing miembro ng gabinete ng administrasyong Gloria Arroyo na 9 years sa Malakanyang.
Nagbabayad na sila sa mga kasalanan nila sa bayan
***
Iniimbestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y 47 sa 100 flood control projects sa Davao City ay substandard o ghost!
Ito ang sinabi ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag, matapos maghamon si Congressman “Pulong’ Duterte na tutukan, imbestigahan ang mga katiwalian sa flood control projects.
Actually ang pagkabuking sa mga katiwalian partikular ghost flood control projects ay nagsimula nang mag-ikot si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa mga probinsiya na lubog sa baha last year, sa kabila ng napakalaking pondong inilabas ng gobierno para sa proyektong panangga sa baha.
At sa kanyang SONA ay kanyang binanggit ang kanyang mga natuklasan sa Bulacan at Pampanga. At iniutos sa investigating at law enforcement agencies ang pag-imbestiga.
Nagsagawa rin ng imbestigasyin ang House at Senado. Resulta: Kulong ang maraming DPWH district at regional engineers, pati ang mga mambabatas na nagbaba ng proyekto at nagbulsa ng napakalalaking kickbacks, na mismong mga opisyal ng DPWH ang nagbunyag.
Sana marami pang makulong sa flood control anomaly bago matapos ang termino ni PBBM sa 2028. Subaybayan!