Advertisers
Nadakip sa loob mismo ng San Mateo Municipal Police Station ang isang Regional Most Wanted na may 3 kasong Qualified Statutory Rape at Rape — habang nag-aaplay siya ng National Police Clearance noong Setyembre 17, ika-11:30 ng umaga.
Ayon kay PRO4A Regional Director PBGen. Dominic Baccay, dinakip ang suspek na kilala sa palayaw na “Elmer” gamit ang Warrant of Arrest na inilabas noong Abril 7, 2026 ni Judge Clarisa M. Dao, RTC Branch 174 — walang inirekomendang piyansa.
Inabisuhan siya ng kanyang mga karapatan at kasalukuyang nakakulong sa pasilidad ng San Mateo PNP. Ginamitan ng Alternative Recording Device at kinumpiska ang kanyang teleponong HONOR 90. (Edwin Moreno)