Advertisers
MAGSASAMPA ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest laban sa China kaugnay ng pagpapaputok umano ng flares ng People’s Liberation Army patungo sa isang unarmed Philippine Coast Guard (PCG) aircraft na nagsasagawa ng Maritime Domain Awareness flight sa Kalayaan Island Group.
Ayon kay Misamis Occidental 2nd District Representative Sancho Fernando Oaminal, hinihintay pa ng DFA ang detalyadong incident report bago pormal na ihain ang kaukulang protesta.
Hinimok naman ni Philreca Party-list Representative Presley De Jesus ang DFA na maghain din ng hiwalay na protesta ukol sa note na iniabot kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. habang berada sa Seoul Defense Dialogue sa South Korea na naglalaman ng pagtutol ng China sa West Philippine Sea Arbitral Award.
Binigyang-diin ni Oaminal na mas mainam na resolbahin ang magkakaibang posisyon sa pamamagitan ng mga itinatag na diplomatic channels alinsunod sa courtesy at professionalism sa mga international engagement.
Siniguro naman ng DFA na igagalang nito ang mga pahayag ni Teodoro at patuloy na tutugunan sa pamamagitan ng diplomasya ang mga naturang insidente sa karagatan.