Advertisers

Advertisers

Arrest warrant vs Sen. Bato dapat ipatupad kahit may political reason – ICC

0 5

Advertisers

MARIING iginiit ni International Criminal Court (ICC) assistant to counsel Kristina Conti na dapat pa ring ipatupad ang arrest warrant laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, anuman umano ang political reason sa likod ng usapin.

Sinabi ni Conti, maaaring ipatupad ng Philippine National Police (PNP) o National Bureau of Investigation (NBI) ang warrant dahil mayroon silang law enforcement powers, habang wala namang sariling police force ang ICC at umaasa sa mga law enforcement agencies ng mga estado.

Noong Mayo 11, nabigo ang NBI na maaresto si dela Rosa matapos ma-unseal ang ICC warrant laban sa kanya.



Mula noon, hindi na umano nagpapakita sa publiko ang senador.

Ayon kay Conti, nakadepende pa rin sa Philippine government ang pagpapatupad ng warrant.



Samantala, iginiit naman ni dela Rosa at ng kanyang mga kaalyado na hindi ito maaaring ipatupad sa Pilipinas dahil kumalas na ang bansa sa ICC noong 2019.

Tungkol naman sa posibleng iba pang ICC warrants kaugnay ng drug war, sinabi ni Conti na maaaring nakatuon muna ang korte sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.



Ayon sa kanya, pangunahing tinitingnan ng ICC kung sino ang may pinakamalaking pananagutan, at binanggit sina Duterte at dela Rosa batay sa hierarchy.