Advertisers

Advertisers

Transparency Portal ng Sangguniang Kabataan ng Matandang Balara: Buwis Mo, Bukas sa Publiko

0 19

Advertisers

INILUNSAD ng Sangguniang Kabataan ng Matandang Balara (SKMB) sa Quezon City  ang isang natatanging inisyatiba sa pamamahala ang isang ‘transparency portal’ na nagdedetalye ng kanilang alokasyon sa badyet at mga gastusin upang masubaybayan at makita ito ng publiko anumang oras (24/7).

Ang portal na pinamagatang “Budget ng Kabataan: SKMB Transparency Portal: Buwis Mo, Bukas sa Publiko” ay ipinakita sa isinagawang “State of the Youth Address” (SOYA) ng SKMB nitong  Setyembre 19, (Sabado) sa harap ng daan-daang kabataan ng barangay.

“Ang portal na ito ay tugon ng SK council sa pambansang panawagan para sa transparency (pagiging bukas) at accountability (pananagutan) sa paggamit ng pondo ng taumbayan, sa gitna ng malalawak na iskandalo ng korapsyon na yumanig sa bansa kamakailan,” pahayag ni SKMB Chairperson Marie Leonora Belle Aro.

“Ang aming SKMB ay tumatanggap ng taunang badyet na P11.4 milyon at dapat kaming maging ganap na responsable at may pananagutan dito, lalo na sa aming mga nasasakupan—ang mga kabataan,” dagdag pa ni Aro.

Ayon pa kay Aro na hango sa “People’s Budget Portal” ng Lungsod ng Naga, ang portal ng SK Matandang Balara at maaaring makita sa *portal* ang mga proyekto, programa, at aktibidad ng SKMB para sa taong 2024-2026, na siyang kasalukuyang termino ng namumunong SK. Bukod sa alokasyon at paggamit ng badyet, nagbibigay rin ang *portal* ng access sa mga larawan ng proyekto, listahan ng mga benepisyaryo, mga ulat, at mga *performance indicator* o sukatan ng pagganap.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

“Bukas sa publiko ang portal ng SKMB upang maipakita ang transparency kung saan napupunta ang buwis na ibinabayad ng taong bayan” sabi pa ni Aro.

Sinabi pa ni Aro na kasama rin sa *portal* ang aplikasyon para sa SKMB Passbook, na nagsisilbing insentibo sa pakikilahok sa iba’t ibang proyekto at aktibidad ng SK, at kalaunan ay magsisilbing mekanismo para sa paghahatid ng mga serbisyong medikal, pang-edukasyon, at iba pang serbisyong panlipunan.

Kaugnay nito sinabi pa ng SK Chairperson ng Matandang Balara na maaari ring mag-aplay ang mga kabataan ng barangay para sa mga kasalukuyang programa tulad ng mga *scholarship*, seminar, pagsasanay, paligsahan sa palakasan, at mga aktibidad na pangkultura.

Ayon pa kay Aro na kung susundan lamang ng ibang mga SK council ang halimbawa ng SKMB sa pagtatatag ng *transparency portal*, maaari silang magsilbing modelo para sa lahat ng *barangay council* upang maging bukas din sa publiko ang kanilang mga talaan ng pananalapi, at sa kalaunan ay pati na rin ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na gumagamit ng pondo ng bayan.