Advertisers

Advertisers

Law student na anak ng DPWH engr. sa flood control scandal ‘nahulog’ sa gusali sa Taguig City

0 35

Advertisers

NASAWI ang 24-anyos na anak ng isang Department of Public Works and Highways (DPWH) district engineer nang mahulog mula sa ikaapat na palapag ng isang gusali sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.
Kinilala ang biktima na si Nath Alcantara, law student mula sa Ateneo BGC at residente ng 16th floor ng Fort Victoria sa Barangay Fort Bonifacio.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, 7:30 ng umaga ng Setyembre 18 nang makarinig ng malakas na kalabog ang isang security officer sa gusali.
Agad nagtungo ang security officer at maintenance personnel sa lugar upang alamin ang pinagmulan ng ingay, at natagpuan nila ang walang buhay na katawan ng biktima.
Ang biktima ay anak ng DPWH district engineer na sangkot sa flood control anomaly.
Isasailalim sa autopsy examination ang labi ng biktima para matukoy ang eksaktong sanhi ng kanyang pagkasawi.