Advertisers

Advertisers

ANG SABI NI MAYOR MARVEY NG BATANGAS

0 2

Advertisers

MAHUSAY ang mga binitiwang mga salita nitong Batangas Mayor na si Marvey Mariño nang namonitor ko minsan ang kanyang isa sa mga talumpati.

Ang sabi ni Mayor Mariño nang makaharap niya ang mga lider ng mga barangay na kanyang nasasakupan, ang isang programs halimbawa at di gagana kung walang kaukulang pondo. Kaakibat daw nito siyempre ay ang nakikiisa ng bawat residente o’ mamamayan sa lugar.

Sa kanya nga raw nasasakupan mabibilang lang naman sa daliri ng Isang kamay ang mga lugar na problems, at kung ano ang problema sa mga lugar na ito.



Obligasyon rin daw ng mga local executives na solusyunan ang mga problem ang hinahanap at siyempre andun pa rin ang nakikiisa ng lahat.

“Ang solusyon po kasi dito sa mga NPA ideology, etc., ay pagandahin ang ekonomiya ng bansa, para hindi na sila nakafocus sa paggawa ng kasamaan at terorismo. At ayan napapansin niyo may nangyayaring barilan sa mga eskwelahan, yun po ay madalas doon sa mga online na nababasa or nirerecruit na may pinapagawa sa kanila so kailangan niyo rin po bantayan yung ating mga anak,” ang sabi ni Mayor Marvey.



Ito ang Mayor, alam niya ang mga problem ang dapat solusyunan, gaya ng problema sa NPA at yun uso ngayong mga school shooting incidents.

Solusyon ni Mayor Marvey lalo na sa mga school shooting incidents ay mga programang ‘family-oriented.’ Buhay in daw ang plaza, para ang magpapamilya ay makapasyal ng sama-sama at nagkausap ang mga magulang at anak. Nang sa ganun nga naman ay magkaalaman kung ang isang miyembro sa pamilya ay may binibitbit ng problema.



Di nga raw naman natin kaya bantayanang ating mga anak ng 24/7, pero pwede natin sila maimpluwensiyahan sa kung ano ang dapat nilang pag-ingatan.

“So yung mga Barangay Captain, opisyal, kayo po, kung ano po ang inyong natutunan natin dito ay kailangan po ninyong ibahagi sa mga barangay. So sabihin nyo ito ang natutunan namin, na-re-recognize na kayo namin na may recruitment na nangyayari dito. Merong manggugulo. Marami pong umiikot sa inyong barangay na ganyan, kung ano ano. Diba?,” ang paghahalinbawa ni Mayor Marvey.

“Mayroon tayong social services, mapoprovide po natin so bakit sila mag-NPA? Hindi na kailangan, diba? Tutulong lang lahat para mapaunlad. So lahat po yon related,” paliwanag pa niya.

Yan, ang Mayor, “hands on.” Hinaharap ang mga nasasakupan kabilang ang mga lider, para mahanap at magbigay ng solusyon.

Saludo ako sa iyo, Mayor Marvey Mariño. Sana lahat ng mga local executives lalo na sa mga bayan at munisipalidad na sinusubukan ng NPA mapasok, ay ganyan din ang thinking at diskarte.