Advertisers

Advertisers

Eala talsik sa Singapore Open

0 7

Advertisers

NATAPOS ang kampanya ni third seed Alexandra Eala sa Singapore Open Huwebes ng gabi matapos matalo siya kay Tatiana Prozorova sa score na 6-4, 5-7, 3-6 sa second round sa OCBC Arena.

Ang 22-anyos na Ruso, na nanalo ng 5-7, 7-6 (2), 6-2 laban sa Belgian na si Sofia Costoulas matapos ang dalawang oras at 51 minuto sa unang round, ay nagsikap nang husto para talunin ang world No. 18 na Pilipina sa tatlong oras at siyam na minuto.

Si Prozorova, na nasa ranked No. 180 sa mundo, ay susunod na haharap kay Xinyu Wang mula sa China, na tinalo si Joanna Garland mula Taiwan, 7-5, 6-4.



Si Eala naman ay pupunta sa Nagoya, Japan para sa ika-20 Asian Games kung saan siya ay maglalaro sa singles at doubles (kasama si Shaira Hope Rivera).

Ito na ang pangalawang paglabas ni Eala sa Asian Games matapos niyang manalo sa singles at mixed doubles sa 2022 edition na ginanap sa Hangzhou, China.



Samantala, tinalo ng top seed at No. 5 sa mundo na si Mirra Andreeva si Aliaksandra Sasnovich mula Belarus, 6-4, 6-2, para makaharap si Filipino-Canadian na si Leylah Fernandez sa quarterfinal.

Tinalo naman ng sixth-seeded na Fernandez ang American Alicia Parks, 6-4, 6-3.



Ang fourth-seed at defending champion na si Elise Mertens ng Belgium ay nag-walkover laban kay Barbora Krejcikova ng Czech Republic para makalaban ang fifth seed na si Maja Chwalinska ng Poland, na tinalo si Oleksandra Oliynykova, 6-0, 6-1.

Ang Australian na si Talia Gibson, na nakaligtas laban sa Slovakian na si Viktoria Morvayova, 7-6 (2), 7-6 (1), ay makakatagpo ang mananalo sa pagitan ng Greek na si Maria Sakkari at Japanese na si Nao Hibino.

Ang Singapore Open ay itinaas sa 500 na kategorya para simulan ang Asian swing.

Ang iba pang mga torneo ay China Open (Sety. 30-Okt. 11), Wuhan Open (Okt. 11-18), Ningbo Open (Okt. 19-25), Japan Open (Okt. 18-25), Toray Pan Pacific Open (Okt. 26-Nov. 1), Guangzhou Open (Okt. 25-Nov. 1), Hong Kong Open (Okt. 31-Nov. 8) at Chennai Open (Nov. 2-8).