Advertisers
KAMAKAILAN ay ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mga reklamong kriminal at administratibo na inihain nina Jhed Tamano at Jonila Castro laban sa mga opisyal ng militar, pulisya at pambansang seguridad.
Kung inyong matatandaan itong sila Tamano at Castro ay mga kabataang nahikayat ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA na napasakamay ng mga tropa ng pamahalaan at pilit na binabawi ng kanilang mga handler sa kung anu anong paraan, kabilang na ang pagpafile ng mga writs of amparo at habeas data sa Court of Appeals na nauna rin nagbasura ng mga ito dahil sa kailangan ng ebidensiya.
Mahuhusay ang mga handler nila Tamano at Castro dahil bumira pa sa Office of the Ombudsman at naghain ng
mabibigat na paratang ng pagdukot, arbitrary detention at torture laban kina dating National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya at sa mga tauhan ng militar, pulisya, intelligence community at iba pa.
Ganun pa man, kinakitaan ito ng Ombudsman ng napakaraming butas kaya ibinasura din ang kasong katiwaliaan. Agad din nagpahayag ang
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagbabasura ng kaso kasabay ng pagturing sa desisyon ng Ombudsman bilang isang “malaking legal na pagbibindika” matapos ang ilang taong akusasyon at pampublikong paninira laban sa sektor ng seguridad ng pamahalaan.
Ayon sa Legal Cooperation Cluster (LCC) ng NTF-ELCAC, malinaw at matindi ang mensahe ng desisyon: ang mabibigat na paratang laban sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan ay hindi maaaring patunayan sa pamamagitan lamang ng paulit-ulit na akusasyon, publisidad o pampulitikang presyur. Dapat itong manindigan—o bumagsak—batay sa sapat at mapagkakatiwalaang ebidensya.
“Ang pinakahuling desisyon ng Ombudsman ay isang malaking legal na pagbibindika sa NTF-ELCAC, na walang tigil na inakusahan, siniraan at isinailalim sa matagal na panggigipit dahil lamang sa pagtupad nito sa legal na mandato,” pagdiin ng LCC ng task force.
Paano nga naman kasi, nakasalalay rito ang isang pundamental na prinsipyo ng demokrasya: ang mga akusasyon—lalo na ang mabibigat na paratang ng pagdukot, arbitrary detention at torture—ay kailangang dumaan sa mahigpit na pagsusuri ng ebidensya na itinatadhana ng batas.
Ang mabibigat na akusasyon ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng sapat at mapagkakatiwalaang ebidensya—hindi sa propaganda, publisidad o anumang pampulitikang palabas, na ginagawa lagi ng CPP-NPA.
Paano ngayon yan, laglag na sila Tamano at Castro, pati na ang mga handler nila sa CPP-NPA. Mabuti pa magsibalik-loob na kayo sa pamahalaan, nang makita niyo talaga ang katahimikan at kaunlaran na matagal niyong ginagawang dahilan, para labanan ang pamahalaan, sa mga walang basehan ninyong mga paratang.
Walang anumang propaganda ang maaaring pumalit sa ebidensya. Walang anumang paulit-ulit na akusasyon ang makapagpapalit sa isang paratang upang maging katotohanan.