Advertisers

Advertisers

Paulo may meaningful post na suporta para kay Kim

0 4

Advertisers

Ni Beth Gelena

Kapamilya actor Paulo Avelino shared a meaningful post amid the legal battle involving his onscreen partner Kim Chiu and her sister, Lakambini “Lakam” Chiu.

Sa kanyang X, formerly Twitter, account, nag-post si Paulo ng mensaheng tungkol sa halaga ng perang ninakaw at kung ano ang maaaring mabuo o mabago nito sa buhay ng isang tao.



“I don’t think people understand the value of the “amount” stolen. Think about what you would do with that money. Bibili ka ng bahay? Medical Bills? School? Magsisimula ka ng bagong buhay? That amount can build the life you’ve always dreamed of. Now imagine someone took the life you’re supposed to be living in. Sa company palang yan. Pano pa kaya sa…..” Paulo wrote in his tweet, and included a man shrugging emoji.

Dahil dito, may mga netizen na nag-isip na may kaugnayan daw ang post ni Paulo sa kinakaharap na legal battle ni Kim laban sa kanyang kapatid.



Si Kim ay nagsampa ng 124 counts of qualified theft laban kay Lakam kaugnay ng umano’y nawawalang pondo sa kanyang business na House of Little Bunny Philippines.

Dahil sa pahayag ni Paulo, may ilang netizen naman ang nagtanong kung may iba pang halagang nawawala bukod sa perang sakop ng kasong isinampa ni Kim.



May ilan ding nagpasalamat sa aktor dahil inakala nilang paraan ito ng pagsuporta niya sa aktres.

Samantala, naging usap-usapan din ang post dahil sa patuloy na pagtutok ng publiko sa relasyon nina Paulo at Kim. Mula nang magsama sila sa Linlang hanggang sa kanilang upcoming movie na A Perfect Marriage, naging matunog ang kanilang tambalan.

Dahil sa kanilang chemistry on and off camera, ilang KimPau fans ang patuloy na nag-uugnay sa dalawa. Naging usap-usapan din ang mga rumor tungkol sa umano’y pagpapakasal at pagbubuntis ni Kim, ngunit kapwa hindi nagbibigay ng malinaw na pahayag sina Paulo at Kim tungkol sa tunay na status ng kanilang relasyon.

Sa gitna naman ng legal battle ni Kim, kapansin-pansin ang mensahe ni Paulo na para sa ilang netizen ay tila may ipinahihiwatig.

“Louder for the people at the back ang dali kasing i-judge si Kim for suing her own sister pero people are forgetting what that 44M represents it represents years of hard work, sacrifice, pagod piyat and money she earned herself. You don’t get to judge her for fighting.”

“Ibig bang sabihin may iba pang nawawala pero sa company lang ang ikinaso ni Kim? Ibig bang sabihin may personal pa? ”

“Eto na yata ang the great betrayal ni Kim in her sister lifetime”

***

Kim dumalo sa arraignment; Lakam plead guilty

Personal na dumalo si Kim Chiu sa Quezon City Hall of Justice noong Huwebes, Setyembre 24, para sa arraignment ng kanyang nakatatandang kapatid na si Lakambini “Lakam” Chiu.

Kaugnay ito ng 124 counts ng qualified theft na kinakaharap ni Lakam, na nag-ugat sa umano’y nawawalang corporate funds ng kanilang kumpanyang House of LittleBunny Philippines, Inc. (HOLB).

Kasama ni Kim sa pagpunta sa korte si Star Magic head Laurenti Dyogi. Kapansin-pansin din ang pulang suot ng aktres habang papasok sa Hall of Justice.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam si Kim bago o matapos ang court proceeding.

Matapos ang arraignment, saka naglabas ng opisyal na pahayag ang aktres tungkol sa kanyang nararamdaman sa kinakaharap na legal na usapin ng magkapatid.

“Sobrang nasasaktan po ako,” saad ni Kim.

Dagdag pa niya, “People may have different opinions with my decision, and I understand that. There are things I cannot talk about because there is an ongoing legal process.”

Nilinaw din ng aktres na hindi umano ito usapin ng kanyang personal na pera.

“This was never about my personal money.”

Ipinaliwanag ni Kim na may mga bagay siyang hindi maaaring talakayin sa publiko dahil nagpapatuloy pa ang legal na proseso.

Aniya, hindi siya nagsasalita dahil wala siyang kuwentong maibahagi, kundi dahil may tamang panahon at lugar para sa katotohanan.

Sa ngayon, sinabi niyang nagtitiwala siya at hinahayaan niyang umandar ang legal na proseso.

Samantala, ayon sa abogado ni Kim at ng HOLB, itutuloy nila ang mga kaso laban kay Lakam habang ipinauubaya sa korte ang pagpapatuloy ng mga pagdinig.

Sa arraignment, si Lakam ay dumalo sa pamamagitan ng video conference at nagpasok ng not guilty plea sa 124 counts ng qualified theft.

Nakapagpiyansa rin siya ng P5.6 milyon sa pamamagitan ng surety bond at nakalaya matapos maproseso ang mga kinakailangang dokumento.