Advertisers

Advertisers

Christmas tree ni Joel Cruz, inspired ng Christmas Capital of France

0 28

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

Ang French-inspired Christmas tree ng “Lord of Scents” na si Joel Cruz ay kasalukuyang naka-display sa Rustan’s Christmas Shop.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Joel ang larawan niya habang nakatayo sa tabi ng kanyang Christmas tree na tampok sa naturang Christmas Shop.



Ayon kay Joel, inspirasyon niya sa kanyang Christmas tree ang Strasbourg, na kilala bilang Christmas Capital of France.

Aniya, tampok dito ang mga white bear, sparkling ornaments, golden floating balloons at malalaking bows na naglalayong ipakita ang elegance, warmth at magic ng Pasko sa France.



Samantala, naka-display rin sa Rustan’s Christmas Shop ang iba pang magagandang Christmas tree designs na likha ng kanyang mga kasamahan at kaibigan.

Kaya kung gusto ninyong ma-feel ang French Christmas vibes, alam na this, Madlang People. Silip na sa Rustan’s Christmas Shop.



***

Puregold CinePanalo, hatid ay kakaiba at kuwentong Pinoy sa big screen

Talagang panalo ang Puregold CinePanalo Film Festival na napanood namin sa Gateway Mall.

Isa sa mga unang pelikulang pinanood namin ay ang “Stuck on You,” na pinagbibidahan nina Xyril Manabat at River Joseph, sa direksyon ni Mikko Baldosa.

Tungkol ito sa isang manikuristang bigo sa pag-ibig na aksidenteng napasok sa trabaho ng isang hitman. Dahil dito, nasangkot siya sa isang madugong sabwatan at napilitan siyang mamili—iligtas ang kanyang pamilya o patayin ang lalaking minamahal niya.

Sinundan naman namin ito ng pelikulang “Beast,” na pinagbibidahan ni John Arcilla at sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

Tungkol naman ito sa isang magsasakang naglakbay patungong Maynila kasama ang kanyang alagang kalabaw upang hanapin ang kanyang pamangkin, matapos kunin ng may-ari ng lupa ang kanyang sinasakang lupain para ipagbili.

In fairness, nag-enjoy si yours truly sa pelikula. Talagang sulit ang panonood at big tumpak ang Puregold CinePanalo sa mga kuwentong hatid nito.

——-

Nagwagi ang mga palabas at personalidad ng ABS-CBN sa USTV+ Media Excellence Awards, kabilang ang “Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon” na si Coco Martin, na tumanggap ng Special Citation for Excellence in Media and Television Storytelling.

Binigyang pagkilala ang husay ni Coco bilang aktor at direktor, pati na rin ang patuloy niyang paghahatid ng mga kuwentong tumatatak sa mga manonood.

“Napaka-espesyal po ng karangalang ito para po sa akin dahil dugo, pawis, at paghihirap po talaga ang nilaan namin sa bawat programang ginagawa namin mula “FPJ’s Ang Probinsyano,” “FPJ’s Batang Quiapo,” at ngayon po sa “Sigabo.” Pinag-aaralan po naming mabuti ang lahat ng mga kuwento—ang bawat kuwento ng mga Pilipino,” saad ni Coco sa kanyang acceptance speech.

“Gusto ko pong pasalamatan ang ABS-CBN sa paglikha ng mga programang makasaysayan, makabuluhan, at programang tumutukoy para po sa lahat ng mga Pilipino,” dagdag niya.

Nakatanggap din ng parangal ang “Pinoy Big Brother,” ang teleserye ng totoong buhay, matapos nitong masungkit ang Media Excellence Award in Entertainment and Popular Culture for Game/Reality Show (Program Category).

Samantala, wagi rin ang “TV Patrol” ng Media Excellence Award in Responsible News Reporting (Program Category) para sa patuloy nitong paghahatid ng napapanahon, makabuluhan, at mapagkakatiwalaang balita. Tinanggap ni Bernadette Sembrano, isa sa mga host nito, ang parangal para sa programa.

Kinilala rin si Luis Manzano na nag-uwi ng Media Excellence Award in Entertainment and Popular Culture for Game Show (Individual Category) para sa kanyang galing sa paghahatid ng saya at aliw sa mga manonood bilang host ng game shows.

Binigyang parangal din ang batikang direktor na si Cathy Garcia-Sampana, na tumanggap ng Media Excellence Award in Entertainment and Popular Culture for Drama (Individual Category), bilang pagkilala sa kanyang natatanging husay at mga kwentong patuloy na minamahal ng mga manonood.

Pinarangalan din si Bianca Gonzalez ng Media Influencer Award in Psychological Awareness and Advocacy para sa paggamit niya ng kanyang plataporma upang magbigay-kaalaman ukol sa mental health.

Naghatid din ng saya, excitement, at kilig ang P-pop group na BGYO at pinarinig ang kanilang pinakabagong mga kanta mula sa kanilang bagong EP.

Ang USTV+ Media Excellence Awards ay kumikilala sa mga huwarang personalidad, programa, at organisasyon na may mahalagang kontribusyon sa industriya.