Advertisers
Inaresto ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang Top 9 Most Wanted Person (Station Level) ng Pasay City Police Station sa isang manhunt operation sa Barangay 29, Pasay City, noong Oktubre 1, 2026.
Ang naaresto ay si alyas “Rheinette,” 48, at residente ng Barangay 29, Pasay City, na wanted dahil sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Isinagawa ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City Police Station ang operasyon sa ilalim ng Oplan Galugad sa Cinco De Junio ??Street corner P. Manahan Street, Barangay 29, bandang 11:00 AM.
Ang operasyon ay isinagawa alinsunod sa isang Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 298, Pasay City, noong Setyembre 24, 2026, kaugnay ng Criminal Case No. R-PSY-26-01226-CR para sa paglabag sa Republic Act No. 9165.
Matapos ang pag-aresto, dinala siya sa Custodial Facility Unit ng Pasay City Police Station para sa pansamantalang detensyon at wastong disposisyon.
Binigyang-diin ni SPD Director PBGEN Rodel A Pastor, ang kahalagahan ng patuloy na manhunt operations sa paghahanap at paghuli sa mga wanted persons. (JOJO SADIWA)