Advertisers

Advertisers

ITINATAMPOK: LUIS HORA MEMORIAL REGIONAL HOSPITAL (Unang bahagi)

0 36

Advertisers

HINDI kilala ang Luis Hora Memorial Regional Hospital, ang pangunahing ospital ng gobyerno na naglilingkod sa kabundukan ng Cordillera. May kalakihan ang ospital dahil may kapasidad na 200 higaan para sa mga galing sa mga lalawigan ng Cordillera Autonomous Region (CAR) tulad ng Mountain Province, Benguet, Abra, Apayao, Kalinga at Ifugao. Dahil sa mga mabuting kalsada, dinarayo ito ng mga pasyente ng kanugnog na rehiyon tulad ng mga lalawigan ng Ilocos Norte, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino.

Mayroon ito na isang ektaryang ospital sa Abatan Junction sa bayan ng Bauko sa Mt. Province. Dahil nag-iisang regional at general hospital, tinatanggap ng Luis Hora ng mga pasyente na may iba’t ibang uri ng karamdaman. Matino ang nag-iisang ospital panrehiyon sa Cordillera. Wala itong ulat ng katiwalian. Iniulat ng Department of Health (DoH) at Commission on Audit (CoA) na masusing ginagampanan ng Luis Hora na pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan ng Cordillera at karatig rehiyon.

Itinayo ang ospital na ito bilang Mountain Province General Hospital sa bisa ng RA 1806 na itinaguyod ng noo’y kongresista ng lalawigan na si Luis Hora at inaprubahan noong ika-22 ng Hunyo, 1957 . Itinayo ang unang ospital sa bayan ng Kayan (Tadian ngayon) sa Mt. Province. Ipinangalan ito sa dating mambabatas sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 836 na ipinasa noong ika-27 ng Abril, 1984. Noong 1992, pinalawak ang kapasidad ng Luis Hora Memorial Hospital sa 100-higaan sa bisa ng RA 7445 upang harapin ng iba’t ibang uri sakit ng mga mamamayan doon at lumalaking bilang ng mga nagkakasakit.



Hindi dito nagtatapos ang paglaki ng ospital. Dahil sa lumalaking pangangailangan sa serbisyo sa kalusugan ng mga mamamayan ng Cordillera, mas pinalawak ang ospital noong 1997 sa bisa ng RA 8314 kung saan itinataas ang antas ng ospital mula provincial sa national at naging regional hospital. Dahil sa pasya na itaas ang antas ng ospital, malaking bahagi ng pambansang budget sa kalusugan ang ibinahagi sa ospital. Noong 2018, itinaas ang kapasidad ng ospital sa 200-bed capacity mula 100-bed sa bisa ng RA 11104.

Kinilala ang natatanging liderato ni Dr. Eduardo Calpito bilang hepe sa paglaki at pag-unlad ng kapasidad ng Luis Hora upang maglingkod. Pinangunahan ni Calpito ang pagiging ganap na specialty center ang Luis Hora sa Cordillera. Naging Dialysis Center ang ospital at kinilala ito bilang kauna-unahan sa CAR. Pinasinayaan noong 2017 ang gusali na inumpisahan ni Dr. Matthew Baggao ang hepe noon ng ospital at ipinagpatuloy ito ni Calpito nang italaga siya bilang hepe noong 2016.



Dahil sa pagsisikap ni Calpito, nagkaroon ang ospital ng sampung dialysis unit noong ika-8 ng Marso, 2017. Nilakad ni Calpito na mapabilang ang Dialysis Center sa Philippine Health Corporation (PHIC) upang maibsan ang bigat sa gastos na mga pasyente. Inumpisahan ang operasyon ng Dialysis Center ng Luis Hora noong ika-1 ng Setyembre, 2017 at kasama ang pangkat ng mga manggagamot sa pangunguna ni Dr. Cheryl Menia. Tinutulungan ngayon ng Center ang pasyente na may chronic kidney disease (CKD sa rehiyon.

Dahil kasama sa lumalaking populasyon ng bansa ang lumolobong bilang ng mga maysakit, nanguna si Calpita na pagpapaunlad ng serbisyo ng Luis Hora. Kasama sa mga pagbabago ang pagpapalaki ng bilang ng tinatanggap na pasyente mula mula 100 hanggang 200. Maraming pasyente ang galing sa ibang lalawigan. Hindi sila maaaring tanggihan ng ospital dahil kailangan rin nila na harapin ang kanilang suliranin sa kalusugan, ani Calpito.



Pinangunahan ni Calpito ang implementasyon ng P45 million expansion project ng ospital at kasama dito ang P37.5 milyon na pangatlong bahagi ng pagpapaunlad ng extension ward at ang pagpapagawa ng may dalawang palapag na gusali para sa mga pasyente na may karamdaman sa pag-iisip. Abot sa mahigit P7 milyon ang gastos sa gusali ng acute psychiatric building para sa may problema sa kalusugan ng pag-iisip.

Mayroon rin reorganization sa frontline services ng ospital. Kasama ang ipinapanukalang P25 milyon sa mga major project tulad ng relocation ng Emergency Room to dakong labas upang maging mas malapit sa mga pasyente. Kasama ang pagpapaunlad ng Public Health Unit at Health Emergency Management Unit para matugunan agad ang mga pasyente.

Nanguna rin si Calpito sa pagtatayo ng P4 milyon solar power pilot para sa ilang gusali at istraktura sa ospital. Tugon ito sa Green Health Facilities Program ng gobyerno. Nakalista ang mga sumusunod sa ilalim ng programa ni Calpito – oxygen generating plants, waste autoclave, deep well construction, motorpool building, powerhouse repair, administrative office, laundry area, access road to oxygen plant.

Noong panahon ng pandemya ng Covid-19, nagkaroon mga tanging silid ang ospital para sa mga pasyente – 4 rooms para sa severe, 8 rooms para sa moderate, at puede itong palakihin sa 20 moderate at 15 isolation for mga pasyente. May lisensya ang Luis Hora upang maging Covid-19 testing center, at RT-PCR molecular lab mula Feb 4 hanggang Dec 31, 2021.

May mga ilang pang proyekto na isinasagawa sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA) sa PLGU-Mountain Province para pag-isahin ang mga human resources. Itinayo ang Cordillera Drug Rehabilitation Center (DATRC-MP) sa isang ektaryang pasilidad sa loob ng ospital. Ito ang unang pasilidad ng naitayo sa buong Cordillera upang bakahin ang problema sa droga doon.

Mayroon itong staff na abot 40 at inumpisahan ito noong ika-21 ng Nobyembre, 2024. Itinuring ang Luis Hora bilang Far North Luzon General Hospital as Leptospirosis Nagbibigay ito ng serbisyo sa pagbaka sa sakit ng leptospirosis sa mga mahihirap.

Sa maikli, maituturing si Calpito na lider ng pag-unlad ng Luis Hora Memorial Regional Hospital mula sa pagiging 100-bed provincial hospital sa 200-bed Level 3 regional referral center na may serbisyo sa dialysis, psychiatric, molecular lab, solar, and rehab center. Hindi ordinaryong administrador ng ospital si Dr. Eduardo Calpito. (Tatapusin)