Advertisers
MATAPOS pamunuan ni gymnast Carlos Yulo ang Pilipinas sa 20th Asian Games sa Japan na may dalawang gintong medalya, at ngayon ay ililipat niya ang pokus sa World Championships mula Oktubre 17 hanggang 25 sa Rotterdam, Netherlands.
“I’m gonna do my best and show up,wika ni Yulo nang tanungin tungkol sa bagay na ito sa “Heroes Welcome” ng Team Philippines sa Manila hotel Lunes ng gabi.
Habang palagi siyang nagsusumikap para sa kahusayan, sinabi ni Yulo na gusto niyang mas magmasid pa sa mundo kung saan siya ay tatlong beses nang kampeon.
Pinangibabawan ni Yulo ang floor exercise sa edisyon ng Worlds noong 2019 at ang vault apparatus noong 2021 at 2025.
Ang 4-foot-11 na gymnasta ay nanguna rin sa parehong mga event sa 2024 Paris Olympics, at ginaya ang performance na iyon sa katatapos lang na Asian Games.
Sinabi ng two-time Olympic gold medalist na ang World Championships sa susunod na taon ang tunay na laban dahil magsisilbi itong kwalipikasyon para sa 2028 Los Angeles Olympics.
“I’m not expecting anything in the Worlds. I just want to observe the competitors,” wika ng 26-year-old Yulo.
Sasamahan si Caloy ng National team kasama ang kanyang kapatid na si Eldrew.