Advertisers

Advertisers

Ilang DDS senators nagising, tatalon sa majority bloc!

0 41

Advertisers

AS expected, habang tumitindi ang mga ebidensiya laban kay Vice Presidente Sara Duterte-Carpio sa Impeachment Trial, nagigising narin ang ilang DDS senators, nagdesisyong lumipat sa majority block.

Opo! Hindi na kinaya ng konsensya ng ilang DDS senators nang maisapubliko sa trial ang mga ebidensiya laban sa mga inaakusa kay VP Sara.

Si Senator Mark Villar, naging DPWH secretary sa administrasyong Duterte, ay kumalas na sa DDS senators, sumanib sa majority. At susunod na raw sina Sen. Loren Legarda, Jinggiy Estrada at Rodante Marcoleta.



With this, masasabi nating… tapos na si Sara.

Subaybayan!



***

Kung may public servant na dapat balikan ng bansa at bigyan ng hustisya, si Melchor Arthur Carandang ang isa sa pinakamalinaw na halimbawa kung bakit mahalaga ang independent Ombudsman.



Taon 2017, trabaho niya ang ginawa niya: siyasatin ang alegasyon tungkol sa yaman at bank transactions ng pinakamakapangyarihang pamilya (Duterte) sa bansa. Ang kapalit? Inireklamo, sinuspinde, tinanggal sa puwesto, nawalan ng benepisyo, at mismong Pangulo pa ang nagsabi sa kanya: “magdasal ka lang” at “uunahin kita” kapag nagkagulo ang bansa. May mga complainant pa noon na humiling na “physically remove” siya sa Ombudsman gamit ang “necessary and reasonable force.” Hindi na simpleng pressure sa trabaho iyon. Iyon ang klase ng sitwasyong puwedeng maglagay sa seguridad at buhay ng isang investigator sa panganib.

At ngayon, tingnan ang mga numerong unti-unting inilalatag mismo sa impeachment court:

• P40.65 MILLION at P41.72 MILLION — joint BPI time deposit nina Rodrigo at Sara Duterte na kinumpirma sa bank testimony.
• P55 MILLION+ — isa pang malaking BPI placement.
• Halos P96 MILLION — halaga ng manager’s check na nauugnay sa dalawang malalaking placements.
• P16 MILLION — isa pang manager’s check mula sa Rodrigo-Sara joint account na may businessman na Samuel Uy bilang payee.
• 30 ACTIVE BANK ACCOUNTS — financial records na ipinrisinta kaugnay kina Sara Duterte at Mans Carpio.
• P190 MILLION+ — combined year-end bank balances na inilatag para sa 2022 hanggang 2025.
• P319.33 MILLION — remittances mula China at Hong Kong papuntang Cale88.
• P1.25 BILLION — aggregate covered at suspicious transactions na iniugnay sa Cale88 mula 2022 hanggang 2025.
• P4.4 BILLION — covered at suspicious transactions na naitala sa accounts nina Sara Duterte at Mans Carpio ayon sa AMLC testimony.

At pagkatapos ng halos siyam na taon, Supreme Court na mismo ang nagsabi: walang constitutional authority ang Office of the President na tanggalin ang Deputy Ombudsman. Void ang dismissal ni Carandang. Ibinalik ang kanyang retirement benefits at kinilala ang karapatan niya sa nawalang sahod. Mas matindi pa, sinabi ng Korte na kahit ipagpalagay pang may jurisdiction ang Palasyo, mahina parin ang basehan para papanagutin siya sa ginawa niyang public statements.

Iyan ang masakit dito.

Noong 2017, investigator ang ginawang problema.

Noong 2026, bank officials na mismo ang nasa witness stand.

Noong 2017, siya ang sinabihang magpaliwanag.

Ngayon, milyon at bilyong piso na ang kailangang ipaliwanag.

At iyon ang tunay na halaga ng isang independent watchdog: hindi siya dapat matapang lang kapag mahina ang iniimbestigahan. Dapat mas matapang siya kapag Presidente mismo ang kaharap niya.

Kaya kung hustisya ang pag-uusapan, hindi sapat ang back pay at retirement benefits. Kailangan ding ibalik ang dignidad ng taong tinangkang patahimikin habang ginagawa niya ang mismong trabahong ipinagkatiwala sa kanya ng Konstitusyon.

Hindi lahat ng bayani may monumento.

Minsan, may case number, termination order, at siyam na taong paghihintay bago sabihin ng kasaysayan: dapat pala siyang pinakinggan. (Nutribun Republic post)