Advertisers

Advertisers

“SUPER DUPER” NA EBIDENSYA VS VP SARA!

0 43

Advertisers

SANDAMAKMAK na nagdudumilat na mga ebidensya ang kailangang pasinungalingan ni VP Sara sa Impeachment Court! “Super Duper evidence” na pawang mga dokumento ang inilatag ng prosekusyon upang ipakita na may mga nilabag na batas ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Subaybayan natin kung paanong pabubulaanan ni VP Sara na tumanggap siya ng tumataginting na Php 319M mula sa China na pinadaaan sa kompanyang Cale88 Foods Corp. na kanilang pag-aari at ng karagdagang Php 150M na pinadaan ng China sa Chinese Embassy at inimbudo sa Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines, ang foundation na iniuugnay kay VP Sara.

VP Sara Duterte at PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.



Maraming matataas na opisyales ng bansa ang tumatanggap ng milyones na suporta mula sa China, na ayon kina Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos” Jr. at Defense Secretary Gibo Teodoro ay malaking banta sa seguridad ng Pilipinas.

Kailangang pasubalian din ni VP Sara ang isiniwalat ni Forensic Financial Analyst na si Alexander Cabrera na may mahigit sa Php 817M na undeclared wealth si VP Sara at nagbayad ng mahigit na Php 11.35M sa kanyang dentista. Isang expert witness si Cabrera na may malawak na karanasan bilang isang Certified Public Accountant (CPA) at batikang abogado.



Marami pang mga delitos na mala MT. Everrest, ang pinakamataas na bundok sa ating planeta na kailangang salungahin ni VP Sara upang maipakita na siya ay may malinis na kamay at taas noo na maaring humarap sa mapanuring mata ng taumbayan.

***



SA pagkalansag kamakailan ng pinakahuling imperyo ng buriki/paihi o petroleum pilferage na nag-ooperate sa Calatagan, Batangas ay malinaw ang mensaheng ipinahihiwatig ni Batangas PNP Acting Provincial Dir. Col. Oliver Ebora.

Ipinakikita nito na hindi sila bibitaw at patuloy na tutupad sa kanilang mandato kaugnay sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman”.

Ngunit nanatiling hamon sa kanyang kakayahan at kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga salot na operasyon ng peryahan na may sugalan at shabuhan ng isang alyas Baby Tomboy, ang kinikilalang “Shabu at Pergalan Queen” ng CALABARZON.

May mga nakalatag itong mga pasugalan na ginagamit din sa pagbebenta ng shabu ng kanyang mga alipores na sina alyas Pajon, alyas Onad at alyas Rommel sa Brgy. 3, Poblacion Nasugbu; sa Brgy. Darasa, Tanauan City at sa Brgy. San Rafael, Sto. Tomas City.

Naglalatag na din sina alyas Baby Tomboy ng mga pasugalan at shabu outlet sa Mabini Ave. at sa halos buong Brgy. 2, Tanauan City. Malayong masugpo ang sugalan at shabuhan sa Batangas kung hindi papagitna si Col. Ebora lalo pa’t maugong ang balita na nakikinabang at ginagawang gatasan ng ilang mayor at barangay chairman si alyas Baby Tomboy.

Talamak naman ang sakla o baklay sa mga siyudad ng Lipa, Tanauan, Calaca at Sto. Tomas; sa mga bayan ng Padre Garcia, Taysan, Mataas na Kahoy, Lemery, Alitagtag, San Luis, Agoncillo, San Nicolas, Rosario, San Juan, Nasugbu at Tuy.

Nag-ooperate din ng mga ilegal na color games, drop balls at iba pang labag sa batas na table at card games si alyas Baby Tomboy sa Cavite City, GMA, Cavite at sa bayan ng Pakil, Laguna, ngunit walang aksyon laban dito sina Cavite Acting Provincial Dir. Col. Ariel Red at Laguna Acting PNP Provincial Dir. Col. Sandro DC Tafalla.

May mga pergalan/shabuhan din sa Calaca City, Ibaan, Batangas at Aluminus, Laguna si alyas Ka Mundo; mga puesto pijo o permanenteng pasugalan na may shabuhan si alyas Nelma sa Cabuyao City, Laguna; ni alyas Judith sa Balibago Complex, Sta. Rosa City at sa Brgy. Sto. Domingo, Biñan City, Laguna.

Baka abutin ng indulto si PNP Region 4A Dir. BGen. Dominic Baccay kung patuloy itong magsasawalang kibo na lamang sa mga kailegalan sa kanilang hurisdiksyon? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144