Advertisers

Advertisers

VIVA HOTBABES BINUBUHAY ULIT! HANDA NA BA ANG SEXBOMB SA KANILANG MULING SALPUKAN?

0 26

Advertisers

By DOMINIC REA

Sold-out! Pinagkaguluhan! Sinuportahan! Yan ang bumulaga nang muling pumaimbulog sa entablado ang Sexbomb!

Muling umariba ang buong grupo at humataw sa mga concert shows here and abroad! Sa kanilang muling pagbulusong ay siya namang pagkabuhay ng pinagkaguluhan din noong grupo ng Viva Hotbabes!



Grabe rin ang paghataw ng Viva Hotbabes noon huh! Sa kanilang muling pagbangon, nakahanda na rin ba silang makipag-tapatan sa Sexbomb? Sa ikalawang awrahan, sino kaya sa kanila ang totoong nakabalik at nabuhay ulit ang career?

SOMEDAY, SOMEONE NINA KATHRYN AT JAMES, HINDI NA-SUSTAIN ANG TRENDING EME?



Ayon sa baklitang hitad, noong ipapalabas palang ang series ng dalawa ay pinag-usapan talaga ito! Lalo na ang nangyaring pilot episode nito kung saan humataw ito sa views.

But after that daw ay tila nanahimik ang series until now at tila kapos sa supporters at viewers ang series na pinagbibidahan ng dalawang naglalakihang stars sa showbiz na sina James at Kathryn.



Kung tama ako, may lumabas ding tsika noon na iba na raw ang ipinapakita at ipinaparamdam na work mode ni Kathryn while taping for tbe said serye huh! Parang wala raw itong sigla at iba raw talaga ang attitude na nito.

Kaya naikumpara na naman nila ito sa ipinaoakita noong workmode ni Kathryn sa mga taon at panahon pa nila ni Daniel Padilla! Hala! Totoo ba?